^

PSN Palaro

Galedo hari ng 2014 Le Tour de Filipinas

Mae Balbuena - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO City , Philippines  --Bitbit ang hinanakit mula sa pag­katalo sa isang mala­king karera, hinugot ni Mark Galedo ng Team 7-Eleven  ang kanyang buong lakas sa pagtahak ng akyating134-km Stage 4 Bayombong to Baguio City upang makopo ang general individual title sa pagtatapos ng 4-day Le Tour de Pilipinas  dito sa Burnham Park.

Bagama’t nalusutan siya ni Ariya Phounsavath ng CNN Cycling team bilang stage winner, sapat na ang runner-up finish ni Galedo sa final lap kaha­pon para makuha ang titulo.

Nagtala si Galedo ng tiyempong 4 hours 33.56 minuto, malayo ng 1.14 minuto sa stage winner na si Phounsavath para sa kanyang ka­buuang oras na 17:12 05 na umagaw ng yellow jersey kay Australian Eric Timothy Sheppard ng Continental team na TSI na nalamangan niya ng 1:03 minuto.

“Medyo nagkaroon ng pain ang legs ko sa last 15 kilometers. Pinilit ko na lang na ituloy ‘yung pacing na kaya ko. Hinayaan ko na lang si Ariya na makawala kasi malayo naman siya sa GC (general classification),” kuwento ni Galedo.

Nagsubi ang SEAG gold medalist na si Galedo ng top prize na  $950, dagdag ang kanyang panalo sa Stage 3 ($810) at third place finish sa Stage 2 ($200). May bahagi rin siya  sa pagkakapuwesto sa 3rd ng 7-Eleven sa general team classification.

Mayroon pa siyang $150 bilang runner-up sa King of the Mountain classification kay Phounsavath na nakalamang lang ng isang puntos, 27-26 at $150 uli sa sprint classification.

Malayo ito sa tinatayang P2 milyong napanalunan sana ni  Galedo sa  huling 14-stage na karerang kanyang nilahukan ngunit ang kanyang panalo ay sapat na para ibaon sa limot ang ala-ala ng kanyang pagkatalo.

“Wala na yun (pagka­un­siyami sa huling karerang nilahukan), nangyari ‘yun. Kakalimutan na lang natin at sana huwag na lang maulit uli,” ani Galedo.

Bukod sa premyo ay nakakuha ang climber na si Galedo ng 40 UCI points bukod pa sa kanyang 8 points at 2 points sa Stage 3 at Stage 2 at mayroon pa siyang parte sa 16 UCI points sa team classification sa third placer na 7-eleven.

Bago ang stage 4 ay nasa second place na ang Team 7-Eleven sa ge­neral team classification ngunit nalaglag sila sa third place dahil nahatak sila ng pagkaka-disqualify ni Baler Ravina na nakita ng Commissaire na nagpahatak sa team vehicle.

vuukle comment

ARIYA PHOUNSAVATH

AUSTRALIAN ERIC TIMOTHY SHEPPARD

BAGUIO CITY

BALER RAVINA

BURNHAM PARK

GALEDO

KANYANG

STAGE

TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with