^

PSN Palaro

Grizzlies, Clippers tumabla sa 1-1

Pilipino Star Ngayon

 OKLAHOMA CITY--Humataw si Zach Randolph ng 25 points para tulungan ang Memphis Grizzlies sa 111-105 overtime win laban sa Thunder sa Game Two at itabla sa 1-1 ang kanilang first-round playoff series.

Nagdagdag si guard Mike Conley ng 19 points at 12 assists para sa Grizzlies, puntirya ang  2-1 lead sa Game 3 sa Memphis sa Huwebes.

Kung naging mabilis ang laro ng Oklahoma City sa kanilang 100-86 ta­gumpay sa Game 1, iba naman ang ginawa ng Memphis.

Pinabagal ng Grizzlies ang laro at nilimita ang mga fast-break opportunities ng Thunder

Kumamada si Kevin Durant ng 36 points at 11 re­bounds, habang naglista si Russell Westbrook ng 29 points para sa Oklahoma City.

Nagposte naman si Serge Ibaka ng 15 points at 11 rebounds.

Isinalpak ni Randolph ang kanyang layup sa hu­ling 26 segundo sa overtime para ilayo ang Grizzlies.

Kumonekta si Courtney  Lee ng dalawang free throws para sa four-point lead ng Memphis kasunod ang mintis na tres ni Durant .

Sa Los Anglees, kuma­big si Blake Griffin ng career playoff-high 35 points at dinomina ng L.A.  Clippers ang laro para sa kanilang 138-98 paglampaso sa Golden State Warriors sa Game Two at  itabla sa 1-1 ang kanilang serye.

Nag-ambag si Chris Paul ng 12 points at 10 assists para sa Clippers, sinimulan ang laro mula sa 14-4 atake at hindi na pinaporma ang Warriors.

Nagtala ang Clippers ng kanilang franchise records para sa points at pinakamalaking victory margin sa isang playoff game.

Nakatakda ang Game 3 sa Huwebes sa Oakland.

vuukle comment

BLAKE GRIFFIN

CHRIS PAUL

GAME TWO

GOLDEN STATE WARRIORS

HUWEBES

KEVIN DURANT

OKLAHOMA CITY

PARA

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with