^

PSN Palaro

Lady Altas maghahabol

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pilit na iiwas sa paglasap ng maagang bakasyon sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference ang Per­petual Help Lady Altas sa pagbangga sa inspiradong Davao Lady Agilas ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na alas-2 ng hapon magsisimula ang bakbakan at sa 0-3 karta ng NCAA champion Lady Altas ay nahaharap sa must-win upang manatiling buhay ang paghahabol ng puwesto sa quarterfinals sa Group B sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Kailangang lumabas na ang tikas ng Lady Altas dahil mataas ang morale ng Lady Agilas matapos ang 25-20, 25-19, 20-25, 25-22, panalo sa FEU Lady Tamaraws noong Linggo.

Kung magwagi ang Davao, tuluyang mamamaalam na ang Perpetual Help dahil hindi na sila aabot sa dalawang panalo sa liga.

Pagsisikapan ng St. Benilde Lady Blazers angkinin ang ikaapat at huling quarterfinals spot sa Group A sa pagsukat sa St. Louis Lady Navigators sa tampok na laro sa alas-4 ng hapon.

May 1-2 baraha ang Lady Blazers at galing pa sa straight sets na pagyuko sa Arellano Lady Chiefs at Ateneo Lady Eagles.

vuukle comment

ARELLANO LADY CHIEFS

ATENEO LADY EAGLES

DAVAO LADY AGILAS

FIRST CONFERENCE

GROUP A

GROUP B

HELP LADY ALTAS

LADY

LADY AGILAS

LADY ALTAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with