^

PSN Palaro

15 teams handang-handa na sa pagpadyak ng Le Tour de Filipinas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mataas ang paniniwala ni Asian Cycling Confe­deration (ACC) president Cho Hee Wok ng Korea na magiging matagumpay uli ang isasagawang 5th Le Tour de Filipinas na magsisimula bukas sa Clark, Pampanga.

“The organizing committee in the Philippines, which is coming up to become one of the cycling powers in Asia, would be able, as in last year, to put up one of the memorable races of the Le Tour,” wika ni Wok.

Nasaksihan ni Wok na nasa ikatlong termino bilang ACC head, ang LTDF mula ng bigyan ng buhay ito ni PhilCycling chairman Bert Lina noong 2010 kaya’t hindi naging problema sa kanya ang pagbibigay ng basbas para sa 2014 edisyon.

May 15 koponan na bi­nubuo ng 13 dayuhan at dalawang local teams, ang  magtatagisan sa apat na yugto ng karera na kung saan ang mananalo ang magkakaroon ng mahalagang UCI points  dahil ang kompetisyon ay may basbas ng international cycling body na ngayon ay pinamumunuan ni Brian Cookson.

Ang bawat koponan ay bubuuin ng tig-limang siklista at lahat ng koponan ay nasa Clark na at pinaghahandaan ang panimulang yugto sa tagisang handog ng Air21 katuwang ang Ube Media.

Sina Alma Lumibao, Joel Golayan, Egay Lorenzo, Haggie Narag at Joel David ang mga nag-asikaso sa pagdating ng  mga kopo­nan.

May suporta pa ng Smart, NLEX, SCTEX, TPLEX, BCDA, Petron, Victory Liner at M. Lhuillier, ang Stage One bukas ay isang 160-kilometro karera mula Clark hanggang Olongapo City. Ang Stage Two ay tagisan mula Olongapo City hanggang Cabanatuan City habang unahan hanggang Bayombong, Nueva Vizcaya ang ikatlong stage.

Ang huling stage ay isang 134-kilometrong karera mula Bayombong hanggang Burnham Park, Baguio City.

vuukle comment

ANG STAGE TWO

ASIAN CYCLING CONFE

BAGUIO CITY

BAYOMBONG

BERT LINA

BRIAN COOKSON

BURNHAM PARK

LE TOUR

OLONGAPO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with