^

PSN Palaro

Pacman mananalo kay Juan Ma kung matutuloy ang ika-5 laban

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakikita ng trainer ni Timothy Bradley ang panalo ni  Manny Pacquiao kung matuloy ang ikalimang pagkikita nila ni Mexican Juan Manuel Marquez.

Walang duda si Joel Diaz na lulutang ang husay ni Pacquiao kay Marquez at makakabangon ang Pambansang kamao mula sa sixth round knockout pagkatalo sa Mexicano na nangyari noong 2012.

Tinuran ni Diaz na tunay na naibalik na ni Pacquiao ang kinatatakutang bilis pero kung may isa pang naidagdag nito sa kanyang arsenal, ito ay ang pagiging maingat na sa laban.

“Pacquiao will win, because he is just as fast but now he is more cautious. Marquez would have a very difficult time against someone who won’t make mistakes,” wika ni Diaz sa Boxingscene.

Kagagaling ni Pacquiao mula sa unanimous decision panalo kay Bradley upang maisantabi ang kon­trobersyal na split decision pagkatalo sa unang pagkikita noong 2012.

Matapos ni Bradley ay sinagupa ni Pacman si Marquez sa taong iyon at nalasap ng Kongresista ng Sarangani Province ang ikalawang kabiguan sa mas masakit na knockout na pagkatalo.

Tinuran pa ni Diaz na may suwerte rin na kumapit kay Marquez sa gabi ng laban dahil patalo na ito noong nakapagpatama ng kanyang knockout punch.

Binubugbog na ni Pacquiao si Marquez sa isang sulok nang nabuksan ang depensa para tamaan ng matinding kanan upang bumulagta ito.

“Marquez was already hurt and in desperation, threw that punch, and it knocked Pacquiao out,” ani pa ni Diaz.

Sa Mayo 17 ay aakyat ng ring si Marquez para labanan si Mike Alvarado at ang bakbakan na handog ng Top Rank ay isang eliminator dahil ang mana­nalo ay magkakaroon ng pagkakataon na labanan si Pacquiao para sa hawak nitong WBO welterweight title.

Makailang-ulit ng sinabi ni Marquez na hindi na niya lalabanan kailanman si Pacquiao upang maipre­serba ang knockout na panalo.

Itinutulak pa ni Marquez si Floyd Mayweather Jr. na siyang dapat na makasukatan ni Pacquiao dahil ito ang gustong mapanood ng tao at hindi ang kanilang muling pagkikita.

Ngunit tiwala ang Top Rank na lalambot din si Marquez lalo na kung bibigyan ito ng magandang premyo para makasukatan pa si Pacquiao.

Samantala, maiinit ang naging pagsalubong kay Pacquiao nang duma­ting ito sa bansa noong Biyernes Santo at agad ding nagtungo sa GenSan upang makapiling ang asawang si Jinkee at mga anak.

 

vuukle comment

BIYERNES SANTO

BRADLEY

DIAZ

FLOYD MAYWEATHER JR.

JOEL DIAZ

MARQUEZ

PACQUIAO

TOP RANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with