^

PSN Palaro

Wizards inilaglag ang Heat; Pacers kuha na ang top seed sa East

Pilipino Star Ngayon

WASHINGTON--Tinalo ng Wizards ang Miami Heat, 114-93, na tumiyak sa pagkamit ng Indiana Pacers sa top seed sa Eastern Conference.

Hindi naman nadismaya ang Heat sa kanilang ka­biguan.

Ganap na napasaka­may ng Pacers ang top seed at makakatapat sa first-round series ang No. 8 Atlanta Hawks.

Nakuntento naman ang two-time defending champion na Heat sa pagiging No. 2 seed at makakasagupa sa first round playoffs ang alinman sa Wizards at Charlotte Bobcats.

Para makuha ang top spot ay kailangang ipanalo ng Miami ang kanilang huling dalawang laro at ipagdasal na matalo ang Indiana sa Orlando sa Miyerkules dahil hawak ng Pacers ang head-to-head tiebreaker.

Mas minabuti ni Heat coach Erik Spoelstra na ipahinga na lamang sina LeBron James at Chris Bosh para ihanda sa playoffs.

Naging tradisyon na para kay James ang magpahinga bago ang playoffs.

Hindi siya naglaro sa huling laban ng Miami no­ong  2011 at maging noong 2012 at 2013.

Umiskor si Trevor Ariza ng 25 points para pamunuan ang Wizards, nagsalpak ng 14 3-pointers at nasa itaas ng Bobcats sa kanilang agawan para sa No. 6 seed.

Sa Phoenix, kumamada si Zach Randolph ng 32 points at inangkin ng Memphis Grizzlies ang hu­ling playoff berth sa Wes­tern Conference mula sa ka­nilang 97-91 panalo laban sa Phoenix Suns.

vuukle comment

ATLANTA HAWKS

CHARLOTTE BOBCATS

CHRIS BOSH

EASTERN CONFERENCE

ERIK SPOELSTRA

INDIANA PACERS

MEMPHIS GRIZZLIES

MIAMI HEAT

PHOENIX SUNS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with