Texters itataya ang malinis na karta vs Elasto Painters
MANILA, Philippines - Dalawang panalo sa kanilang huling tatlong laro ang kailangan ng Elasto Painters para makapasok sa quarterfinal round.
“We’re 3-3, we’re in the middle of the pack. We have three games left, we need to win two of our last three games,†sabi ni Rain or Shine coach Yeng Guiao sa kanilang pagharap sa Talk ‘N Text, Air21 at Barangay Ginebra.
Sumasakay sa isang two-game winning streak, sasagupain ng Elasto Painters ang Tropang Texters ngayong alas-8 ng gabi sa 2014 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Sa kartadang 7-0, hindi na maaagaw sa Talk ‘N Text ni mentor Norman Black ang No. 1 berth sa quarterÂfinals kahit na matalo sa Rain or Shine at Globalport.
“We’re here where we wanted to be. The only thing is that it’s too early,†sabi ni Black.
Nanggaling ang Texters sa 81-75 panalo laban sa San Mig Coffee Mixers noong Marso 31.
Pinitas naman ng Elasto Painters ang kanilang pangalawang dikit na ratsada nang ilampaso ang Batang Pier, 99-75, noong Marso 31 kung saan kumoÂlekta ang bagong import na si Wayne Chism ng 17 points at 17 rebounds.
Sa unang laro sa alas-5:45 ng hapon, maglalaban naman ang San Mig Coffee at ang Air21.
- Latest