^

PSN Palaro

Durant, Westbrook gumana Thunder tinagpas ang Spurs

Pilipino Star Ngayon

 OKLAHOMA CITY - Nagpatuloy ang ratsada ni Kevin Durant sa paglista ng 25 points pataas, habang nagwakas naman sa 19 ang arangkada ng San Antonio.

Tumipa si Durant ng 28 points at naglista si Russell Westbrook ng 27 para tulungan ang Thunder sa 106-94 panalo laban sa Spurs sa paghaharap ng top two teams sa Western Conference.

Ipinanalo ng Oklahoma City ang lahat ng apat nilang laro laban sa San Antonio ngayong season.

Nagdagdag si Serge Ibaka ng 11 points at 12 rebounds para sa Thunder.

Ito ang ika-39 sunod na pagkakataon na umiskor si Durant ng 25 points pataas na siyang naglapit sa kanya sa 40 ni Michael Jordan na itinala noong 1986-87 season.

Maaari itong pantayan ni Durant sa pagsagupa ng Oklahoma City kontra sa Houston sa Biyernes.

Iniwanan ng San Antonio ang Oklahoma City sa 51-43 sa second quarter bago nagsalpak si Westbrook ng 3-pointer kasunod ang kanyang layup sa natitirang 2.6 segundo na nagdikit sa kanila sa 48-51 sa halftime.

Tumipa si Patty Mills ng 21 points at may tig-17 sina Kawhi Leonard at Tim Duncan sa panig ng Spurs, hindi pa natatalo sapul noong Pebrero 21.

Samantala, binigo naman ng Dallas Mavericks ang L.A. Lakers, 113-107.

vuukle comment

DALLAS MAVERICKS

KAWHI LEONARD

KEVIN DURANT

MICHAEL JORDAN

OKLAHOMA CITY

PATTY MILLS

RUSSELL WESTBROOK

SAN ANTONIO

TIM DUNCAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with