^

PSN Palaro

Hawks wagi sa Rockets: Nets lusot sa Heat sa 2OT

Pilipino Star Ngayon

ATLANTA  -- Nadidiskubre na ng Hawks na nagiging po­sible ang panalo kapag mahigpit ang depensa, lalo na sa isang matinding kalaban.

Umiskor si Kyle Korver ng 20 points, kasama rito ang apat na free throws sa huling 16 segundo, para igiya ang  Atlanta sa 83-80 panalo kontra sa Houston Rockets.

Tumipa rin si Paul Millsap ng 20 points para sa Hawks na nakakamit ang kanilang ikalawang sunod na home win matapos talunin ang Indiana Pacers noong Mi­yerkules.

“It’s a real good win for us because it really shows we played some good teams and we actually played some good defense,” sabi ni Millsap.

Pinamunuan naman ni James Harden ang Rockets mu­la sa kanyang 25 points, habang humakot si Dwight Ho­ward ng 15 points at 11 rebounds.

Bumangon ang Hawks mula sa 0-11 pagkakaiwan sa kanila ng Rockets sa pagsisimula ng laro para kunin ang 79-78 abante.

At mula dito ay hindi na naghabol pa ang Atlanta.

Sa New York, gumawa si Joe Johnson ng 32 points, habang nagbida si Shaun Livingston sa ikalawang overtime para pagbidahan ang 104-95 panalo ng Brooklyn Nets kontra sa Miami Heat.

Ito ang pang-limang sunod na ratsada ng Nets.

Tumapos si Livingston na may 19 points, isang career-high na 11 rebounds at 5 assists at nagdagdag si Paul Pierce ng 23 points para sa Brooklyn.

Naglista si LeBron James ng 36 points, 7 rebounds at assists, subalit na-fouled out dahil sa kanyang offensive foul sa huling 36 segundo sa unang overtime.

Sa Oakland, California, isinalpak ni Stephen Curry ang isang go-ahead jumper sa natitirang 2.1 segundo pa­ra igiya ang Golden State Warriors sa 99-97 panalo la­ban sa Boston Celtics.

Ito ang ika-pitong dikit na kamalasan ng Celtics.

Sa Los Angeles, humakot si Blake Griffin ng 33 points at 12 rebounds  sa 123-87 panalo ng Clippers kontra sa Lakers.

vuukle comment

BLAKE GRIFFIN

BOSTON CELTICS

BROOKLYN NETS

DWIGHT HO

GOLDEN STATE WARRIORS

HOUSTON ROCKETS

INDIANA PACERS

POINTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with