^

PSN Palaro

Knicks sinorpresa ang Heat; Nuggets ginulat ang Thunder

Pilipino Star Ngayon

NEW YORK -- Tila naglalaro ang New York Knicks sa kanilang huling season nang harapin ang two-time de­fending champions na Miami Heat.

Tumipa si Carmelo Anthony ng 29 points, habang nag­dagdag ng 19 si Andrea Bargnani para banderahan ang Knicks sa 102-92 panalo at angkinin ang kanilang ikat­long sunod na arangkada.

‘’You can tell it’s different than one month ago,’’ sabi ni Bargnani sa New York na napagtatalo noong Disyembre. ‘’Our faces are different, our body language is different.’’

Naglista si guard Raymond Felton ng 13 points at 14 assists para sa Knicks.

Isang 16-2 atake sa pagitan ng third at fourth quarter ang ginawa ng New York para talunin ang Miami sa ika­apat na pagkakataon sa kanilang huling limang pag­haharap sa nakaraang dalawang seasons.

Sa pagkakaroon ng lagnat ni center Tyson Chandler at pagbabangko kay guard J.R. Smith, kumolekta si Ama­re Stoudemire ng 14 points at 11 rebounds mula sa bench.

Umiskor naman si LeBron James ng 32 points para sa Heat na naglaro nang wala ang mga injured starters na sina Mario Chalmers at Shane Battier.

Nagtala lamang si Chris Bosh ng 6 points mula sa 3-of-10 fieldgoal shooting.

‘’All I know about this game is they outplayed us and they earned that win,’’ sabi ni Fil-American Heat coach Erik Spoelstra.

Naglista si Dwyane Wade ng 23 points ngunit nai­mintis ang anim na free throws para sa Miami.

Dahil sa kabiguan sa Knicks ay natapos ang three-game winning streak ng Heat.

Sa Denver, kumamada si guard Randy Foye ng season-high na 24 points at tinalo ng Denver Nuggets ang Oklahoma City Thunder, 101-88, para sa kanilang pang-apat na sunod na arangkada matapos magmula sa isang eight-game losing slump.

Ito ang ikalawang pagkakataon sa kanyang panga­lawang laro na nagposte si Foye, tumipa ng anim na 3-pointers, ng isang season high.

Nagmula siya sa isang 23-point effort na tinampukan ng pitong tres sa pananaig ng Denver kontra sa Boston Celtics nooong Martes.

‘’I think it’s from my preparation, just understanding that every single day, no matter if I make six 3s in a game or seven, that I have to come in the next day and be rea­dy to work,’’ ani Foye, who had struggled to find the range from beyond the arc earlier this season. ‘’You put yourself in situations, if you work and do the right things, so that when you get in a game, nothing is foreign to you.’’

Binalewala ng Nuggets ang itinalang 30 points ni Ke­vin Durant para sa Thunder.

Nagdagdag si Evan Fournier ng 19 points kasunod ang 16 ni Ty Lawson na nagbigay ng 14 assists para sa ta­gumpay ng Denver at humakot si Kenneth Faried ng 14 rebounds.

vuukle comment

ALL I

ANDREA BARGNANI

BOSTON CELTICS

CARMELO ANTHONY

CHRIS BOSH

NEW YORK

PARA

POINTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with