Miami Heat niresbakan ang New Orleans
MIAMI -- Umiskor si LeÂBron James ng 32 points, haÂbang nagdagdag ng 22 si Dwyane Wade para sa 107-88 come-from-behind win ng Miami Heat kontra sa bisitang New Orleans PeÂlicans.
Bumangon ang Heat mula sa isang 11-point deficit sa kaagahan ng second half para talunin ang Pelicans.
“We’re an old team, man,†sabi ni Wade. “It takes us a while sometimes to get the juices flowing. Playing against a lot of young teams, they come in loose, ready. We’ve got to get our body going a little bit.â€
Tumipa naman si Chris AnÂdersen ng 7-for-7 fieldgoals para tumapos na may 15 markers at naglista si Chris Bosh ng 12 points at 9 rebounds para sa Miami (27-8).
Nag-ambag si Ray Allen ng 11 points para sa Heat.
Binanderahan naman ni Anthony Davis ang New Orleans mula sa kanyang 22 points at 12 rebounds, , saÂmantalang kumolekta si Eric Gordon ng 15 markers at may 13 si Tyreke Evans.
Kumamada ang Heat ng 32 points sa kabuuan ng third period, ang 16 dito ay buÂÂhat kay James, kasabay ng paglimita sa Pelicans sa 21 markers.
Sa Dallas, kumayod si MonÂta Ellis ng 10 sunod na punÂtos sa loob ng dalawang minuto sa fourth quarter para ihatid ang Dallas Mavericks sa 110-97 tagumpay laban sa Los Angeles Lakers.
Ipinalasap ng Mavericks ang pang-walong kabiguan ng Lakers sa huling siyam na laro.
- Latest