^

PSN Palaro

Barako Bull vs Globalport; Ginebra kontra San Mig Coffee: Taulava dinala ng Meralco sa Air21

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

4:15 p.m. Barako Bull

Globalport

6:30 p.m. San Mig Coffee vs Ginebra

 

MANILA, philippines - Muling makikita sa ak­syon sa Philippine Basket­ball Association si Asi Taulava.

Ngunit hindi para sa Barangay Ginebra na nauna na niyang sinabing gusto niyang pagtapusan ng kanyang professional basketball career.

Inaprubahan kahapon ni  PBA Commissioner Chito Salud ang pagdadala ng Meralco kina Taulava at Mark Borboran sa Air21 bilang kapalit nina MIke Cortez at James Sena.

Nauna nang sinabi ng Fil-Tongan na kung maaari ay gusto niyang tapusin ang kanyang PBA career sa koponan ng Gin Kings.

Nakuha ng Express ang signing rights ng 6-foot-9 at 40-anyos na si  Taulava mula sa Bolts na iniwanan niya bago magsimula ang PBA season para kumampanya para sa San Miguel Beermen sa Asean Basketball  League.

Iginiya ng one-time PBA MVP awardee ang Beermen sa kauna-unahan nitong kampeonato sa ABL sa likod ng paggiya ni coach Leo Austria.

Bukod sa pagkuha kina Taulava at Sena, nasasangkot din ang Air21 sa trade sa Petron, Barangay Ginebra at Meralco.

Sinasabing nasa trading block sina Joseph Yeo ng Boosters, Kerby Raymundo ng Gin Kings at Jay-R Reyes ng Bolts.

Samantala, inaasahang sasamantalahin ng Gin Kings ang pagkakasuspinde kina Marc Pingris at Joe Devance sa kanilang pagsagupa sa Mixers.

Lalabanan ng Barangay Ginebra ang San Mig Coffee ngayong alas-6:30 ng gabi matapos ang sal­pukan ng Barako Bull at Globalport sa alas-4:15 ng hapon sa elimination round ng 2013 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Inaasahang iindahin ng Mixers ang pagkawala nina Pingris at Devance.

Sa 102-88 panalo ng Mixers laban sa Batang Pier noong Miyerkules, nagsuntukan sina Pingris at Kelly Nabong sa 8:11 sa third period matapos masangkot sa gulo nina Devance at Marvin Hayes.

Napatawan sina Pingris at Nabong ng two-game suspension bukod pa sa multang P60,000, habang one-game ban at P30,000 fine ang ipinatikim kay Devance at multang P20,000 kay Hayes.

vuukle comment

ASEAN BASKETBALL

ASI TAULAVA

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

GIN KINGS

PINGRIS

SAN MIG COFFEE

SMART ARANETA COLISEUM

TAULAVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with