^

PSN Palaro

Rambol sa panalo ng Mixers

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Bukas

(Mall of Asia Arena,

Pasay City)

5:15 p.m. Meralco

vs Rain or Shine

7:30 p.m. Talk ‘N Text

vs Alaska

 

MANILA, Philippines - Literal na dumaan sa maaksyong laro ang Mi-xers bago makuha ang kanilang ikalawang panalo.

Napabayaan ang isang 21-point lead sa second period, nakabalik sa porma ang San Mig Coffee sa dulo ng fourth quarter para talunin ang Globalport, 102-88 sa elimination round ng 2013 PBA Governor’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Ngunit bago ito, nagkaroon muna ng suntukan sa pagitan nina Marc Pingris ng Mixers at Kelly Nabong ng Batang Pier sa 8:11 sa third period kung saan angat ang San Mig Coffee sa Glo­balport, 58-39.

Sa isang rebound play, kinalawit ni balik-import Marqus Blakely si Marvin Hayes pabagsak sa sahig kasunod ang pagbundol kay Hayes ni Joe Devance.

Nang makita ito ng 6-foot-7 na si Nabong ay isinalya naman niya sina Blakely at Devance.

Kaagad namang sumugod si Pingris at sinuntok sa mukha si Nabong na gumanti sa pamamagitan ng paghablot sa uniporme ng miyembro ng Gilas Pilipinas.

Si Cone mismo ang humawak sa mga binti ni Nabong para hindi na sugurin si Pingris.

Napatalsik sa laro sina Pingris at Nabong, habang napatawan naman sina Blakely at Hayes ng double foul at tinawagan ng technical foul sina Hayes at Devance.

May 2-3 baraha ngayon ang San Mig Coffee sa ilalim ng Petron Blaze (5-1), Barako Bull (3-2), nagdedepensang Rain or Shine (3-2), Meralco (3-2), Alaska (2-2) at Talk ‘N Text (2-2) katabla ang Globalport (2-3) kasunod ang Barangay Ginebra (1-3) at Air21 (1-4).

Samantala, pinatawan ng PBA Commissioner’s Office si Mark Caguioa ng Gin Kings ng multang P20,000 dahil sa kanyang pagkondena sa mga referees matapos ang kanilang 99-102 pagkatalo sa Aces noong Linggo.

San Mig Coffee 102 - Blakely 25, Yap 22, Maliksi 18, Devance 16,

Pingris 10, Simon 4, Reavis 4, Barroca 3, Alvarez 0, Gaco 0, De Ocampo 0.

Globalport 88 - David 27, Cummings 20, Washington 14, Mercado 13, Miller 5, Mandani 4, Belencion 3, Salvador 2, Hayes 0, Taha 0, Nabong 0, Yee 0, Alonzo 0.

Quarterscores: 28-14; 51-31; 79-66; 102-88.

vuukle comment

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BATANG PIER

CUNETA ASTRODOME

GLOBALPORT

N TEXT

NABONG

PASAY CITY

PINGRIS

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with