^

PSN Palaro

Big League softball world series Team Manila sumuko sa Pennsylvania

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi napanatili ng nagdedepensang kampeon Manila South ang malakas na panimula nang bumigay sa Pennsylvania District 32, 5-10, noong Martes sa Big League Softball World Series sa Connie Mac Field sa Delaware.

Umalagwa ang kopo­nang hawak ni Ana Santiago sa 5-2 matapos ang limang innings pero kuma­wala ang katunggali ng walong runs sa bottom six para kunin ang panalo.

Si Anna McElroy ang siyang nanguna sa kopo­nang kumatawan sa East nang humataw siya ng dalawang homeruns.

Ang ikalawang round tripper ay ginawa sa McElroy ay nagpasok pa ng da­lawang kakampi na nasa bases na para bigyan ang koponan ng limang runs na kalamangan.

Ito ang unang panalo ng Pennsylvania matapos ang dalawang magkasunod na pagkatalo sa unang dalawang asignatura habang ang nagdedepensang kampeon ay natalo sa unang pagkakataon matapos kunin ang 15-0 panalo sa Ontario District 5 sa pagbubukas ng kampanya.

Magsisikap na bumawi ang Manila sa Huwebes sa pagharap sa host Delaware District 3 sa Bruce Layton Field.

May 2-0 baraha ang host at inaasahang gagawin ang lahat para pataubin ang Manila upang tumibay ang paghahabol sa puwesto sa semifinals.

Sampung koponan ang naglalaban-laban at hinati sa dalawang koponan at ang dalawang mangungunang teams ay aabante sa cross-over semifinals.

Samantala, may 0-2 ba­raha naman ang Sta. Cruz, Laguna sa Senior League World Series na nilaro sa Bruce Layton Field sa Delaware.

Unang yumuko ang La­guna team sa Puerto Rico, 0-14, bago natalo pa sa Delaware District I, 0-1.

Tabla ang dalawang kopo­nan matapos ang pitong inning pero mas nakitaan ng husay ng paglalaro ang Delaware sa extended inning at si Jenna Campbell ang gumawa ng winning single para mapapasok si Megan Fry.

Si Fry ay naka-single, bago umabante sa second sa error at tumungtong sa third sa fielder’s choice.

Sunod na laro ng Laguna ay ang host team Delaware na hindi pa natatalo sa dalawang laro.

vuukle comment

ANA SANTIAGO

BIG LEAGUE SOFTBALL WORLD SERIES

BRUCE LAYTON FIELD

CONNIE MAC FIELD

DALAWANG

DELAWARE DISTRICT

DELAWARE DISTRICT I

JENNA CAMPBELL

MANILA SOUTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with