^

PSN Opinyon

Batuhan ng putik?

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

HAHARAP ngayon sa Senado ang taong isinasangkot sa umano’y maanomalyang P15-bilyong frigatedeal ng Philippine Navy na si Special Assistance Bong Go. Anang Palasyo, buong katotohanan lang ang isisiwalat ni Go. Kaya naman ang mangyayaring pagdinig sa Senado sa araw na ito ay mistulang telenobelang inaaba­ngan.

Kung ang administrasyong Duterte ay may ganitong pangit na usapin, ang nakaraang administrasyon man ay nababatikan ng mga mapanirang isyu tulad ng usapin sa Dengvaxia na alam na ng lahat. Sabi ng kampo ng administrasyon, inosente si Go sa issue ng frigate deal dahil ang kontrata ay napagkasunduan noon pang bago matapos ang termino ni Presidente Aquino at ito ay itinuloy na lamang sa pagpasok ng bagong administrasyong Duterte. “Done deal” wika nga.

Lehitimo man o hindi ang mga naglulutangang isyu laban man sa kasalukuyan o nagdaang administrasyon, pangit ang impresyong  natatatak sa isip ng taumbayan. Walang katapusang batuhan ng putik at paninira. Bukod dito, patuloy na nagkakawatak ang mamamayan na pumapabor sa administrasyon o sa nakalipas na admi­­nis­trasyon. Kitang-kita ito sa palitan ng mga maanghang na salita ng mga netizens. Hindi natin nasaksihan ang ganitong pagkakahati ng bansa noong araw.

Kawawa ang bayan na hangga ngayon ay hindi ma­kausadusad dahil sa mga masasamang isyung buma­balot sa larangan ng pulitika.

Kung susumahin ang mga maanomalyang usapin, mas nakahihigit ang bilang ng mga kinasasangkutan ng nakalipas na administrasyon. Bukod sa Dengvaxia, naririyan pa rin ang isyu sa pagbili ng mahigit P3 bilyong halaga ng bagon ng MRT na hindi naman akma sa disenyo n gating mga riles. Hindi pa rin nakalilimutan ng taumbayan ang usapin sa Mamasapano incident na ikinamatay ng 44 operatiba ng SAF.

Sa panig naman ni Duterte, naririyan ang kasong ibinibintang sa kanya ni Sen. Trillanes hinggil sa tagong kayamanan ng Pangulo. Wala na bang matino sa ating pamahalaan?

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with