^

PSN Opinyon

Droga pa sa Bilibid, arukin sana ni Bato

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ALIS na dapat si Bato dela Rosa bilang director general ng PNP. Ika-56 birthday niya kahapon, ang edad ng retirement sa serbisyo. Pero palalawigin siya ni President Duterte nang dalawang buwan, hanggang Marso. Saka siya itatalagang hepe ng Bureau of Corrections.

Aminado si Bato na nakakatinag na misyon ang BuCor. ‘Yun ay dahil patuloy ang paggawa at pagkalakal ng droga mula sa loob ng preso. Magagamit ni Bato ang dalawang buwang palugit sa PNP para saliksikin at suriin ang problema ng droga sa National Bilibid Prisons.

Unang arukin sana ni Bato ang bakit, bagamat naghigpit ang mga ahensiya, namamayagpag pa rin ang narco-traffickers. Hindi ba’t nilipat ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre sa compound ng Intelligence Service-AFP ang walong mayayamang habambuhay na presong drug lords? Dalawa ang pakay nu’n: protektahan sila mula sa assassins dahil sa pagtestigo nila laban kay Sen. Leila de Lima, at putulin ang koneksiyon nila sa mga sindikato sa labas. Kaya, sino ang nagpapatuloy ng droga, sila pa rin o mga bagong drug lords na sa preso?

At hindi ba’t pinabantayan sa PNP Special Action Force ang maximum security compound na Bilibid, na pugad ng drug lords? Kasabay nu’n ay muling sinanay ang mga prison guards at tinanggal ang mga tiwali. Kung gan’un, ano ang nangyari? Napalusutan ba ang SAF at mga “nagbagong-buhay” na mga bantay-salakay?

Sunod na planuhin sana ni Bato ang regular na pagmamasid sa droga sa preso. Uubra ba ang “tok-hang” o pagkatok sa bawat selda para pakiusapan ang mga talamak na kriminal na huminto na sa bilyon-pisong raket? Tiyak na hindi “manlalaban” ang mga preso sa pamamagitan ng kalawanging .38-caliber revolvers. Bulto-bultong pera ang ipanlalaban nila. Kontrahin ni Bato ang panunuhol.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with