^

PSN Opinyon

‘Epic Fail Projects ng DPWH’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KASALUKUYANG iniisa-isa ni Pres. Rodrigo Duterte ang mga natenggang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Tinawag na “epic fail” ang mga di-natapos na proyekto ng nabanggit na ahensiya. Tunog nakakatawa dahil sa bansag pero dapat ikabahala ng mga sangkot na kontraktor at pulitiko.

Sa iba, ang unang iisipin, “lagot ang DPWH”. May mga inilagay kasi sa posisyon na nagpalaki lang ng kanilang yagballs at hindi ginawa ang kanilang trabaho.

Subalit lingid sa kaalaman at ang hindi nakikita ng karamihan, ito ay resulta na lamang ng problema. Dahil ang gusot ay nagmula sa umpisa pa lamang.

Sa pakikipagsabwatan ng mga pulpol at tiwaling pulitiko at siyempre na mga putok sa buhong dupang na kontraktor, ang resulta ay palpak na proyekto.

Mga sinungaling na kontraktor na sasabihing de kalidad ang kanilang mga serbisyo sa murang halaga pero sa totoo lang ay mapapamura ka ng malutong at malupit dahil olats ang resulta.

‘Yung iba naman kamag-anak, kaibigan, kachokaran, kabagang at kung ano-ano pang relasyon ng mga nasa lokal na pamahalaan ang mga kontraktor kaya nanalo sa bidding.

Mga pendeho talaga, gigil na gigil kumita mula sa pera ng taumbayan, mga buwayang ganid!

Eh ang siste kasi kundi ka na naman talaga magagalit ay sambayanang Pilipino ang maghihirap sa epekto ng kanilang mga katarantaduhan. Ayan, pati tuloy si President Digong, nabuwisit na.

Linawin natin, hindi lang ang ahensiya ng DPWH ang may kasalanan ng mga naantalang proyekto ha. Sinagot din ito ni Sec. Mark Villar sa Ben Tulfo Unfiltered na mapapanood n’yo mamayang 5:30 ng hapon.

Nagpapasalamat si DPWH Sec. Villar sa mga programang katulad ng Bitag Live at Kilos Pronto dahil nakakarating sa kanyang tanggapan ang mga sumbong mula pa sa malalayong probinsiya.

Malaking hamon ang kasalukuyang sitwasyon sa batang kalihim. Subalit tapatan niyang sinabi na kuwalipikado siya sa posisyon, hindi question mark, kundi tuldok na tutuldok sa ibinabatong isyu.

Panoorin niyo na lang ang buong detalye mamayang 5:30 sa PTV4, live-streaming sa Facebook page ng Ben Tulfo Unfiltered at sa aming website sa www.bitagmedia.com

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with