^

PSN Opinyon

Siyota kong rapist

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

ITO ay tungkol sa dalawang magsiyota, si Tessie na wala pang asawa dahil matagal nagtrabaho bilang OFW sa ibang bansa at si Romy na mas bata sa kanya. Isang kawani sa kompanya si Romy at kasal na sa iba.

Si Romy ay nakatira sa tapat ng bahay ni Tessie kaya nag-umpisa ang lihim na relasyon ng dalawa. Nagtatagpo sila tuwing nagbabakasyon si Tessie sa Pilipinas. Luma­labas lang sila at pagkatapos ay uuwi sa kanya-kanyang bahay. Sagot ni Tessie ang lahat ng gastos sa paglabas nila dahil sa mas malaki ang kita niya kay Romy.

Tatlong buwan bago ang insidente ay tatlong beses na may nangyari sa dalawa sa mismong kotse ni Tessie. Isang beses naman, alas dos ng madaling araw at pauwi na ang dalawa ay biglang huminto sa isang motel si Romy. Nang maintindihan ni Tessie ang gustong mangyari ng lalaki ay sumigaw siya para humingi ng saklolo pero agad din na natakpan ni Romy ang kanyang bibig.

Nagbuno ang dalawa hanggang mawalan ng malay si Tessie. Nagising siyang nakakubabaw sa kanya si Romy at hinalikan siya hanggang sa mairaos ang gusto. Habang patuloy na dumudugo ang kanyang ari ay tinulungan siyang bihisan ni Romy at hinatid sa kanyang bahay. Pagkatapos ay umuwi na si Romy sa sariling tirahan. Nang sumunod na araw ay laking gulat ni Romy nang damputin siya ng mga pulis dahil nagsampa ng reklamo si Tessie. Ang buong akala ni Romy ay hindi siya kakasuhan ni Tessie dahil sa kanilang lihim na relasyon.   Pero inakusahan siya ng rape matapos magpa-eksamin si Tessis at lumalabas sa medical report na nagtamo siya ng mga hiwa, sugat at pasa sa iba’t ibang parte ng katawan nito. Ang palusot naman ni Romy ay magsiyota sila at pareho nilang gusto ang mga nangyari. Maari bang depensa ito?

Hindi, ayon sa Supreme Court, ipagpalagay man na magsiyota ang dalawa at may nangyari na sa kanila noong una, umamin din ni Romy na ang naganap na huling pagtatalik ay ginamitan ng dahas at puwersa. Katibayan pa nga rito ang pag-uwi ni Tessie na magulo ang itsura at nasaktan pa. Walang lalaking puwedeng gumamit ng dahas para sapilitan siyang pagbigyan ng babae masunod lang ang kanyang gusto kahit pa nga magpapakasal na sa kaniya.  Hindi lisensiya ang pag-ibig para masunod ang tawag ng laman. May karapatan pa rin na tumanggi ang isang babae kung ayaw niya lalo at hindi pa naman sila kasal. Kahit pa syota ni Romy si Tessie, nagkasala pa rin siya ng rape nang sapilitan niyang kaladkarin sa motel at pagsamantalahan si Tessie sa kabila ng galit at pagtanggi nito tulad ng nangyari sa kaso ng People vs. Mercado, 161 SCRA 601.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with