^

PSN Opinyon

Magpakitang-gilas ang mga pulis

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MASAGANA ngayon ang hapag-kainan ng mga pamilya ng mga pulis dahil sa dobleng sahod na ipinagkaloob ni Pres. Rodrigo Duterte. Kaya nararapat lamang na suklian ito ng mga pulis ng super dobleng trabaho upang makumbinsi ang taxpayers. Di ba mga suki? Panahon na para magpakitang gilas sa sambayanan ang mga pulis sa paghabol sa mga salot na drug pushers/users at organized criminals dahil bundat na ang kanilang bulsa pagsapit ng 15/30, he-he-he!

Kung noon kasi na maliit ang kanilang suweldo may iilan sa mga pulis ang bumabangketa ng pushers/users na nahuhuli, subalit ngayon hindi na ito pupuwede dahil naibigay na sa kanila ang nararapat na suweldo. Panahon na para ipamalas ninyo ang lakas sa pagtugis sa mga riding-in-tandem na sumira sa “Oplan Tokhang” ni PNP chief Dir. Gen. Ronald “Bato” dela Rosa. Hindi na puwede ngayon ang patumpik-tumpik, pagbingi-bingi­han­ at pagbulag-bulagan dahil no mercy kayo kay Bato kapag nalusutan ng mga kriminal sa inyong mga nasasakupan.

Huwag na ninyong antayin pa na matulad kayo sa anim na pulis Nueva Ecija na ibinandera sa publiko ni Bato sa isinagawang press conference sa Camp Crame matapos na mahuli sa Entrapment Operation ng Counter Intelligence Task Force (CITF). Ang siste mga suki, nag-ugat ang paghuli kina SPO1 Antonio Otic, PO3 Danilo Sotelo, PO3 Ronald Buncad, PO3 Oliver Antonio, PO2 Rodrigo Edralin at PO2 Romeo Nuñez III matapos na inguso sila ng mga drayber at negosyante sa CITF sa pa­­ngungotong.

Ang masakit nito, pa-beinte-beinte pesos lang na inilalaglag sa kalsada ang dahilan. Kapag daw hindi nakapagtapon ng beinte pesos ang mga dumaraang drayber sa Digdig, Caranglan checkpoint ng mga suwail na pulis ay hinahabol at pinipigil sa highway. Kaya hayun kalaboso sila at napipintong hindi na nila matitikman ang mantikang pinaagos ni President Duterte. Sana’y magbukas ng mga mata ito sa mga pulis.

Samantala, may reklamong ipinarating sa akin tungkol sa talamak na bentahan ng droga sa Bgy. Baesa, Quezon City na dapat tutukan ng mga pulis ni QCPD Director Chief Supt. Guillermo Eleazar. Ayon sa sumbong, magkakamag-anak na Santo umano ang pasimuno ng pagtutulak ng droga sa mga kabataan doon. Calling Bgy. Chairman Ed Juan sir, paki-aksyunan nga itong reklamo na ipinarating sa akin nang tuluyang mawalis sa salot ng droga ang iyong minamahal na barangay. Total hindi na mapigilan ang barangay eleksyon, dapat lamang na ipamalas mo ang iyong kabutihan sa iyong mga constituent ng hindi ka nila malimutang isulat sa balota. Get mo chairman Juan. Abangan!   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with