^

PSN Opinyon

Gawad Mel Lopez Ilulunsad sa Tondo

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

BUKAS ay pista ng Sto. Niño sa Tondo Manila at bahagi ng mga aktibidad para gawing mas makulay at maka­buluhan ang okasyon ay ang paglulunsad ng Gawad Mel Lopez at ang pagpili ng Binibining Tondo.

Dalawang kauna-unahang programa ang mga iyan na inilunsad ni Manila 1st district Rep. Manuel “Manny” Lopez. Lubhang panatiko tayong mga Pilipino sa pagdi­riwang ng ganyang mga kapistahan.

Pero sabi nga, ano ang kabuluhan ng pagiging deboto at panatiko kung walang mabuting resulta sa isang tao? Halimbawa, may mga namamanata sa Nazareno ng Quiapo minsan isang taon at matapos ang panata ay balik sa dating masamang gawi. Nagiging mabuti lang ang ano mang ritual kung kinakikitaan ng magandang bunga.

Ani Rep. Lopez, nais niyang lalu pang mapag-isa  sa pagdiriwang ang mamamayan ng Tondo sa araw na iyon at bigyan ng mas malalim na kahulugan ang seleb­rasyon.

Dapat nga naman, ang totoong pananampalataya ay nagbubunga ng pagpupunyagi ng mga tao para maka­pag-ambag sa kaunlaran ng komunidad. Sa ilalim ng Gawad Mel Lopez, hihirang ng mga natatanging indi­biduwal, grupo at institution na may natatanging kontribusyon sa kaunlaran ng Tondo. Si Mel Lopez ay matatandaan natin na naging Alkalde ng Maynila at naging Assemblyman at nakapaglingkod nang mabuti bilang isang public servant.

Ang hihiranging binibining Tondo” ay may premyong  limampung libong piso at magsisilbing hurado ang mga kilalang personahe kabilang ang ilang dating beauty queens ng bansa.

Organizing committee chairman sa natu­rang mga events si Myke Lopez. Aniya, tatanggap din ng premyo ang mapipiling binibining Tondo tourism - 20 libong piso, kalikasan - 15 libong piso, kapayapaan- 10 libong piso, kawanggawa - 5 libong piso at 2 libong consolation prizes sa lahat ng kandidato.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with