^

PSN Opinyon

‘One on one kay Sen. Pacquiao mamaya sa Ben Tulfo Unfiltered!’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

BUENA MANO sa BEN TULFO UNFILTERED sa aming­ no-holds-barred hot seat si Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao. Isa-isang sinagot ng senador ang mga maiinit na isyu tungkol sa kanya. 

Walang pagkukunwari, inihayag niya ang pagka­dismaya sa industriyang kinabilangan. Isa ako sa mga nagulat nang unang sumabog ang balitang nais na niyang magbitiw sa puwesto last year.

Dagdag pa niya, marami raw siyang nakitang mga “plastik na tinatago ang kanilang mga anyo.” Malabo ang pahayag na ito, kaya sinubukan naming bigyang-linaw kung mga kasama ba niya ‘to sa senado, kongreso o iba pa.

Pangalawa ang isyu sa death penalty. Alam ng lahat na isa si Senador Pacquiao sa mga maingay na tagasu­porta ng parusang bitay.

Sa kabila ng kanyang pagiging Kristiyano, si Senator Pacquiao ay pabor sa pagbabalik ng death penalty. Kontrobersiyal ang kanyang mga nakaraang pahayag, lalo na ang paggamit niya ng biblia para suportahan ang kanyang mga argumento.

Diretsahan at walang paliguy-ligoy ang aking mga birada. ‘Di ako tulad sa ibang personahe ng mga higanteng network, kung ‘di tsismis ang habol, biased.

Doon sa mga matagal nang nakikinig sa aming mga programa, memoryado na nila ang aking estilo. Hindi layunin ng programang ipahiya ang mga bisita at ang mga taong nasa likod ng mga balita. Pati na ang mga bigating tao aking na-interview noon, masasabing hindi hao shao si BITAG.

Isa pang isyu, tinanong rin namin kung ano ang mga nilalaman ng kanyang dasal. Pinagdarasal ba niya ang bayan? Ang kanyang sarili? Ang mga taong nambubwisit sa kanya?           

Hindi na rin namin pinalampas ang isyu sa kanyang kabaro sa Senado. Siyempre, walang iba kundi ang butihing senador na si Antonio “Sonny” Trillanes IV.

Patikim lang ‘yan sa aming mainit na usapan. Ang kanyang mga kasagutan, alamin mamaya 5:30 ng hapon sa PTV 4.

Mapapanood ang programang Ben Tulfo Unfiltered Lunes hanggang Biyernes sa Facebook page nito, simulcast siyempre sa Radyo Pilipinas 730 at www.bitagmedia.com

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with