^

PSN Opinyon

Balanse

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

ANG makupad na Kamara. Ito ang paratang ni Speaker Pantaleon Alvarez sa Senado matapos ipagmalaki ng House of Representatives ang kanilang accomplishment report sa nakaraang taon 2017. Ang naging mabilis na sagot ni Senate President Aquilino Pimentel III ay ito: “the thinking chamber”. Iyan ang Senado.

 Tama nga si Speaker Alvarez na mas mabilis kumilos ang mababang kapulungan. Higit na marami ang mga panukalang batas na naipasa. Ang karaniwan namang paliwanag ng mga Senador ay dahil sa House of Representatives nagmumula ang mga local bills – o mga batas na nauukol sa mga distri-distrito ng mga Kongresista.

At kung totoo man na naiipit o “natetengga” ang mga mahahalagang panukala sa Senado, ito ay dahil mas ma­tindi ang ginagawa nilang pagbusisi, gamit ang kan­ilang mas malawak na pananaw. Dala ito ng pagka­roon ng pambansang mandato, hindi tulad ng mga kongresista na sa bawat boto ay isinasaalang-alang ang interes muna ng kanilang distrito.

Ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) ay isa sa mga panukalang batas na natagalan sa Senado. Ang isa pa ay ang panukalang Death Pe­nalty Law na matagal nang pasado sa House subalit hindi pa rin inuumpisahan ang debate sa Senado. Itong linggo lang ay naganap ang pinaka-obvious na pagkakaiba sa lahat – ang agarang pagpasa ng House ng resolusyon na inuumpisahan na ang pag-amyenda ng Saligang Batas sa pamamagitan ng isang Constituent Assembly. Nangyari ito habang ang Senado naman ay mapasensiyang dinidinig ang mga abiso ng mga eksperto bago sila kumilos.

 May naaasiwa sa ganitong sitwasyon ng ating mga Kamara. Subalit magugulat ka ba kung ito ang tunay na intensyon ng may akda ng Saligang Batas? Ang pa­giging makupad ng Senado ay talagang sinadya upang maging balanse sa kapusukan ng House of Representatives. Kapwa sila may hangaring makapaglingkod. Ang isa sa paraan nang mabilis na serbisyo, yung kabila naman sa serbisyong pinag-isipan nang husto. Malaki ang agwat subalit ang resulta ng kanilang pagsanib ay pawang kabutihan para sa lahat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with