^

PSN Opinyon

Dutdutan

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

ANG Quezon City ang pinaka-latest na kinikilala ang peligro ng hindi maingat na pag-tattoo sa katawan. Nauna nang isinailalim ang pag-tattoo sa masusing regulasyon ng mga lungsod sa Norte – gaya ng Vigan, Baguio atbp. Marahil ay mas maraming nagpapa-tattoo sa kanilang lugar.

 Bago pa ang panahon nina Rajah Solayman at Lapu Lapu, ang paglagay ng tattoo ay nasa kultura na ng Pilipino. Sa pagdating ng Kastila, nagulat sila sa dami ng kulay at disenyo sa ating mga katawan. Nakilala tuloy ang Pilipinas na “Las Islas de los Pintados”. Sa Ingles, the islands of the painted peoples.

 Nang pinilit na nila ang kanilang relihiyon at sari­ling sibilisasyon, ipinagbawal na ang ganitong gawain. Sa paglaon ay nawala ito, kasabay din ng paglaho ng ibang manipestasyon ng ating pagka-Pilipino.

 Hindi rin ito tuluyang nabura sa lipunan. Maliban sa mga sulukan ng mga rehiyon kung saan hindi agad naglaho ang ganitong mga haligi ng kanilang kultura, nabuhay din ito sa mga pugad ng protesta. Sa mga kulungan, sa mga sikretong samahan – maging street gang o fraternity o grupong armado. Naging simbolo ng protesta, ng pagtanggi sa ipinipilit ng nakararami.  

 Sa bagong milenyo ay tila nagtamo ng kakaibang kasikatan ang pag-tattoo. Dutdutan na nga kung tawagin sa kanilang mga convention. Hindi na ito simbolo ng protesta kung hindi paraan ng expression o pagpahayag ng niloloob. Maging ang mga executive sa Makati at Pasig ay mahahanapan mo na rin ng tattoo sa katawan.

 Sa dami na rin ng nagsusulputang magtatattoo, huli na ng maalala na wala pala tayong batas na naglilisensya at sinisiguro ang kalusugan at kaligtasan ng mga nagtatatak at sumasailalim dito. Dati nang pinanukala nina Senador Manuel Villar, Senadora Miriam Defensor-Santiago at maraming mga kongresista ang mga batas ukol dito. Panahon nang ipasa, hindi lamang sa mga lungsod kung hindi sa buong kapulungan, ang batas sa regulasyon ng pag-tattoo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with