^

PSN Opinyon

Mafia sa gobyerno

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NITONG mga nakaraang araw, may sumulpot na balita tungkol sa pag-iral ng “mafia” sa Department of Foreign Affairs. Tumatabo raw ng salapi sa pag-iisyu ng passports. In other words, magbayad ka muna ng P4-libo para mabigyan ka ng prayoridad sa pagkuha o pag-renew ng pasaporte. Natural, pinabulaanan ito ni DFA Secretary Cayetano.

Ngayon naman, may isang dating consultant umano ng Department of Health na nagsabing may “mafia” sa DOH.” Ito umano ang may kinalaman sa pagkakaaproba ng programang nagkakahalaga ng mahigit P3 bilyon na ang layon ay sugpuin ang Dengue sa pamamagitan ng kontrobersyal na bakuna na Dengvaxia.

Puwedeng i-dismiss ang mga haka-hakang ito kung wala namang nararamdamang epekto ang taumbayan. Sa kaso ng Dengvaxia, may mga iniulat ng kabataang namatay dahil naturukan ng naturang bakuna na panlaban daw sa Dengue. Tungkol naman sa “passport mafia” sa DFA, maraming reklamo na ang natanggap mula sa mga aplikante na karamihan ay OFW na nabibinbin ang kanilang pagkuha ng pasaporte.

Ang Mafia ay isang sindikatong criminal na itinatag ng mga Italianong Sicylian na nandayuhan sa Amerika, at ang termino ay ginagamit na ngayon patungkol sa mga sabwatan ng mga tauhan at opisyal ng gobyerno para gumawa ng anomalyang pagkakakuwartahan.

Kapag may mga fixer na nagpapabilis sa mga transak­syon sa pamahalaan, ang tawag diyan ay sindikato o mafia. Kung mayroon mang basehan ang mga akusasyon sa pag-iral ng mafia sa alinman opisina ng pamahalaan, dapat lang imbestigahan ang mga ito at gumawa ng karampatang hakbang para masupil ang pag-iral ng mga ito. Ngayon dapat patunayan ng administrasyong Duterte ang determinasyong burahin sa burukrasya ang katiwalian.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with