^

PSN Opinyon

‘Ben Tulfo Unfiltered, Mapapanood na Ngayong Hapon; Kilos Pronto sa Bagong Timeslot’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SIMULA ngayong araw, ang nangungunang serbisyo pub­likong programa sa telebisyon, ang Kilos Pronto ay mapapanood na simula alas 4:30 ng hapon hanggang 5:30, araw-araw.

At ang pinakaabangan niyong pinakamatindi at matapang na news analysis-public affairs program na dati ay sa social media at facebook lamang ay nasa telebisyon na ngayong araw na ito.

Mamayang alas-5:30, ang Ben Tulfo Unfiltered ay mapapanood na kasunod ng Kilos Pronto sa PTV4, simulcast pa din sa Radyo Pilipinas, Bitag Multimedia Network Facebook Page at Bitag Media website.

Magbibigay na ako ng babala, maaaring hindi niyo magugustuhan ang mga salitang lalabas sa bibig ko – mapa-opinyon, komentaryo o malalimang pag-aanalisa.

Pero sinisigurado ko namang mapupukaw ang inyong mga kaisipan na magkaroon ng matalinong pagtimbang at pag-analisa sa mga isyung dapat tutukan.

Hinihikayat ko ang lahat ng aming mga taga-sunod, taga-panood ng programa at maging aking mga kritiko, manood kayo ng Ben Tulfo Unfiltered.

Mga komento, katanungan sa akin o sa ating hot seat guest, mensahe o inyong opinyon, ipadala sa twitter @bitagbentulfo at babasahin, sasagutin ko `yan ng diretsahan, unfiltered!

Kung sa umaga ay pagagandahin ko ang inyong uma­ga sa paghahatid sa inyo ng makatotohanan at matalinong pag-aanalisa ng mga balita gamit ang mga kaunti kong kakulitan.

Siyempre, ayoko naman masira ang mood niyo mga bossing dahil katulad ng lagi ko ngang paalala sa inyo, it`s good to be alive everyday. Kaya kasabay ng pagbukas ng inyong mga isipan sa mga isyu ay ang pagpapatawa sa inyo – kahit konti lang.

Sa Ben Tulfo Unfiltered, walang biru-biruan dito ha, bawal ang kolokoy at kenkoy. Lalabas ang talagang imahe ni Bitag. Kaya i-tweet ang inyong mga no holds barred ding mensahe, ilalabas natin sa ere.

Pero paalala lang mga bossing, ang mga personalidad na ating iha-hot seat ay inimbitahan natin upang magsalita sa isyu at sumagot ng mga katanungan. Walang bastusan, walang kutyaan, bagkus ay pawing katotohanan lamang, intiyendes?

O pano, magkita-kita tayo mamaya sa PTV 4, Bitag Multimedia Network (BMN) Facebook Page at Bitag Media website – www.bitagmedia.com; alas5:30 hanggang alas-6:00 ng hapon, BEN TULFO Unfiltered, kasado na!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with