^

PSN Opinyon

Boracay PNP nakakagigil

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

THREE days ago isang damatan ang magalang na nagtanong sa tatlong bugok na pulis habang pakuya-kuyakoy ang mga ito at pa text, text sa kanilang police outpost dyan sa Boracay Island station 3 area.

Nakatirik ang lonang outpost nila tatlong talunan lang ang  layo sa white sand near the sea.

Sa sumbong ng damatan, maayos niyang tinanong ang tatlong bopol na pulis kung saan ang lugar na pupuntahan niyang hotel kaya nag-usap ang tatlo para isipin kung nasaan ang itinatanong ng gurang.

‘Itinuro ng babaeng police ang tinatanong na lugar sa  lolo at sinabi pa nito na sa buhanginan kayo dumaan dahil sarado ang daan papunta doon.’

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, halos isang kilometro na ang nilalakad ng reklamador na matanda ay hindi pa rin niya makita ang hinahanap na lugar kaya nagpasya itong bumalik na lang dahil sa pawis, pagod at tindi ng init ng araw na naranasan ng pobreng alindahaw.

Sa paglalakad, nakasalubong ng gurang ang isang Local family at tinanong ang lugar....ang sabi dito iba ang dinaanan ninyo  bumalik kayo at lagpasan ninyo ang outpost ng police at lumabas kayo ng station 3 at sumakay ng tricycle.

‘Malayo pa ang mahal na araw pero pinitensiya at pahirap ang inabot nito sa ginawang maling pagturo ng tatlong itlog na pulis,’ sabi ng kuwagong tanga.

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, niresbakan niya ang tatlong police at kahit galit, hinihingal sa pagod ay magalang pa rin sinabi nito sa 3stoogies na mali ang itinuro nila.

Sagot ng mga pulis sa damatan ‘bago’ daw sila sa lugar kaya hindi nila alam ito.

‘Kung bago sila sa lugar, nagpakaang-kaang din ang station commander nila dahil ang Boracay ay isang tourist area na dinadayo ng madlang people all over the world bakit hindi itinuro o pina-review sa tatlong bagitong police ang area of responsibilities nila!’ sabi ng kuwagong hinihika.

‘Paano kung magkaroon ng barilan sa lugar, bank robbery o kung anong matinding krimen, saan tatakbo ang tatlong itlog?’

Tiyak maliligaw ang mga ito dahil sa umano’y katangahan?

Abangan.

Isnabero at isnabera sina John Loyd at Ellen Adarna

 

TWO DAYS ago sa Caticlan Airport, Aklan, almost 12:30pm pumasok sa passenger lounge ng paliparan sina John Loyd Cruz at Ellen Adarna para sumakay ng eroplano ng PAL papuntang Manila, kaya naman nang makita sila ng mga pasahero na nakakakilala sa mga ito ay natuwa at gustong magpa-kodak.

Ang siste nang lapitan ito ng isang bebot na pasahero at nakiusap kung puede siyang magpa-pictures sa dalawa ay inisnab siya ng mga ito.

Sabi nga, napahiya ang fan!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, artista ang dalawa kaya marami silang fans at gustong magpakuha ng litrato sa kanila.

‘Ano ang mainam gawin sa mga ito?’ tanong ng kuwagong asar.

Sagot - isnabin din ang pelikula nila? Hehehe!

vuukle comment

BORACAY

PULIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with