^

PSN Opinyon

Mahigpit na naman

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

SINIMULAN na ang paghuli, na naman, ng mga pampasaherong sasakyan na lumalabag sa “Tanggal Usok, Tanggal Bulok” na programa ng MMDA. Noong Lunes, 255 sasakyan sa EDSA ang nahuli dahil sa mga paglalabag. Ang mga hinuli ay mga bumubuga ng makapal na usok at mga luma. Hindi sinabi kung ano ang kahulugan nila ng “luma”. May operasyon din daw sila sa gabi, para mahuli ang mga may paglalabag sa ilaw. Hindi lang dapat mga pundidong ilaw ang sitahin kundi mga sob­rang liwanag na nakakasilaw ng mga kasalubong na sasakyan. Pati raw mga naka-tsinelas lang habang nagmamaneho ay sisitahin. Dagdag pa ng MMDA, wala na raw taning ang mga operasyon na ito. Gagawin at gagawin. Tingnan na lang natin at narinig ko na iyan.

Pero nakapagtataka na kung kinakailangang dumaan sa emission testing ang lahat ng sasakyan bago mapa-renew ang rehistro taun-taon, bakit may mga nakakalusot na mausok na sasakyan? Ano pala ang silbi ng mga emission testing na lugar, kung tila lahat pinapasa lang nila? Ano ang paliwanag ng nakapasa sa emission testing­, pero hinuli ng MMDA?

Kung nagiging mahigpit din lang ang MMDA sa mga sasakyan sa kalsada, dapat isama na rin ang mga sasakyan, maging kotse, jeepney, bus, tricycle o motorsiklo, na sobrang ingay ng tambutso. Marami riyan. Mga tambutso na nakakabasag ng tenga. Kapag sa gabi pa humarurot, lalo na. Perwisyo lang ang mga iyan at walang tulong naman sa mga sasakyan. Naaalala ko isang beses habang nagbibigay ng talumpati si President Duterte, may dumaan na maingay na motorsiklo. Sabi niya kung sa Davao iyan ay pinalo na raw niya. Sana ganyan na rin sa Metro Manila.

Inaasahan na marami ang magrereklamo sa paghihigpit nito ng MMDA, lalo na mga pampasaherong jeepney na nahaharap sa pinaplanong phaseout. Hindi ko alam kung ito na iyon, o kung naghihigpit lang sa mga mga nabanggit na isyu. Ganun pa man, sana naman ay hindi ito ilang araw o linggo lang. Maraming sasakyan ang walang kaparapatan bumaybay dahil sa sobrang kapal ng usok na binubuga at iba pang mga diperensiya. Hindi lang masama sa kalikasan, masama rin sa kalusugan. Baka mas masama pa nga sa Dengvaxia. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with