^

PSN Opinyon

Gaming disorder

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MAHILIG ka ba, o may kilala kang mahilig maglaro ng mga video games, bata man o matanda, maging sa laptop, sa telepono, sa mga gadget? Ako may pamangkin na tila hindi makatiis na hindi maglaro ng mga ganyan. Sa Hunyo ngayong taon, opisyal na kikilalaning sakit na ng World Health Organization (WHO) ang pagiging adik sa mga larong iyan. “Gaming disorder” ang itatawag. Maglalatag ng opisyal na kahulugan ang WHO, para hindi naman lahat ng maglalaro ay masabihang may “gaming disorder”.

Ang mga mahilig sa video games na mas binibigyan ng prayoridad ang paglalaro sa mga kailangang gawin tulad ng pag-aaral o trabaho ang tinutukoy ng nasabing sakit. Ang nais ng WHO ay mabigyan ng pansin ang kundisyon o sitwasyong ito, para matukoy kaagad kung may problema nga, at mapag-aralan na rin ang mga posibleng solusyon. Magpapatuloy ang pananaliksik sa nasabing kundisyon, para magkaroon ng mas tiyak na klasipikasyon at solusyon. Pero ngayon pa lang, kung may mga kilala nga kayong ganyan, dapat matukoy na rin.

Walang masama sa paglalaro. Lahat tayo, kaila­ngan natin iyan. Tayong lahat ay may iba’t ibang paraan para magpalibang, o mag-relax mula sa mahaba at mahirap na araw na trabaho o pag-aaral. May nanonood ng sine, may mahilig sa basketball, tennis at iba pang sports, iba diving naman, iba nasa gym, iba nagbibisikleta. At may mga mahilig maglaro ng video games. Pero kapag nakatutok sa mga larong iyan ng ilang araw, na umiiwas sa trabaho o sa pag-aaral, masama na talaga iyan. May ilang balita kung saan may mga naglalaro ng video games ng ilang araw, halos hindi na rin kumakain. Tumatayo na lang kapag kailangang magpunta ng palikuran. Iyan ang tinutukoy ng WHO.

Kapag opisyal na lumabas na ang klasipikasyon ng WHO hinggil sa “gaming disorder”, inaasahan na matutukoy ang mga saklaw ng nasabing kundisyon, at mabigyan ng kinaukulang gabay at tulong, kung kinakailangan na. Lahat naman ng bagay, kapag sumosobra, ay nagiging masama. Iba na rin talaga ang panahon, kapag ang sobrang paglalaro ng video games ay nagiging sakit na rin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with