^

PSN Opinyon

May epekto na ang TRAIN

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAGPABILI ako ng maliit na softdrink sa tindahan. Ang sabi ng pinabili ko, tumaas na raw ang presyo. Dati, P10 lang, ngayon P12 na, dahil daw sa “excise tax”. Ang itinaas na dalawang piso ay 20 porsyento. Ilang porsyento lang ba ang excise tax sa mga matatamis na inumin? Ganun pa man, nagiging dahilan na ang excise tax para kusang magtaas na ng presyo ang tindahan.

Maliit na hailmbawa lang ito ng epekto na ng excise tax na iyan sa bilihin. Ayon sa gobyerno, maliit lang daw ang epekto sa publiko. Pero eto nga, 20 porsyento ang itinaas ng tindahan. Sobra nga ang itinaas na presyo. Nagbabala ang DTI sa mga mananamantala at gaga­wing dahilan lang ang TRAIN para magtaas ng presyo. Pero mababantayan ba ng gobyerno ang lahat ng tindahan, ang lahat ng bilihin? Ano ang mas madaling gawin ng mamamayan, magalit sa tindahan, o magalit sa gobyerno? 

Kapag pumasok na rin ang excise tax sa presyo ng gasolina, asahan na lahat ng bilihin ay tataas na rin. Walang industriya ang hindi apektado ng pagtaas ng gasolina at diesel. At tama ang pahayag ng mga maru­nong sa ekonomiya. Ang tatamaan nang husto ay ang mahihirap. Mga wala namang binabayarang buwis dahil masyadong maliit lang ang kinikita. Pati mga senior citizen, apektado rin. Kaya walang silbi sa kanila ang mga binago ng gobyerno sa TRAIN. Tatamaan naman sila kapag nagtaas na nga ang presyo ng mga bilihin. Mas maraming mahirap kaysa sa mayaman. Ang maya­yaman ay hindi apektado ng pagtaas ng mga bilihin. Marami sa mga mambabatas at opisyal ng gobyerno ang ubod ng yaman, kaya hindi nila alam ang epekto ng TRAIN sa taumbayan.   

Hahamunin naman ng mga nasa oposisyon ang TRAIN. Dadalhin sa Korte Suprema ang laban. Hindi ko lang alam kung may mangyayari rito. Alam natin na hawak na ng administrasyong Duterte ang halos lahat ng sangay ng gobyerno, at susunod lang sa anumang nais ng Presidente. Ganun pa man, kung masyadong pampabigat lang ang TRAIN sa taumbayan, kailangang ipaalam ito ng tao sa gobyerno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with