^

PSN Opinyon

Ang sagasa ng TRAIN

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KUNG maraming makukulektang buwis ang pamahalaan, maraming programang pangkabuhayan ang maipatutupad ng pamahalaan, at kung mangya­yari iyan, mababawasan ang kahirapan.

Iyan ang sinasabi ng pamahalaan sa harap ng pangamba ng marami na magtataasan ang presyo ng mga paninda sa ipatutupad na Tax Reform Acceleration and Inclusion Law (Train). 

Sa unang tingin ay maganda. Wala nang baba­yarang buwis ang mga kumikita lamang ng  P25 libo kada buwan pababa. Pero nakakatakot naman ang magiging dambuhalang pagtaas sa presyo ng mga kalakal dahil sa kanila maisasalin ang sinisingil na tax. Suma-total, baka maging mas masahol pa ang situ­wasyon sa mga kababayan nating mahihirap. Naniniwala ako sa opinyon ng marami na kung makukulekta lang ng tama ang buwis, hindi na kailangan ang bagong tax. Pero ang siste, dahil sa talamak na katiwalian ay nadudugas ang buwis na ibinabayad nating mga taxpayers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with