^

PSN Opinyon

Ty sa PAL

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Nagpapasalamat tayo kina Arian Mae Viray, ng PAL at Tony Rafer, domestic supervisor nito sa makataong na-ging desisyon nila sa kaunting problema ng mga kuwago ng ORA MISMO sa NAIA T2.

* * *

 Gusto n’yo rin bang mahibang?

 HINDI naman kaya mga kababalaghan ang  mga nababalita nitong mga nakaraang araw.

 Tuloy na raw ang pagbabago sa ating Saligang Batas. At siempre, tatalakayin na ang  isyu ng pederalism. Yehey!

 Sabi nga ni House Speaker Bebot Alvarez, baka ang puedeng mangyari ay tuluy-tuloy pa rin ang ating Boss Digong matapos ang kaniyang termino sa 2022, kung may bago na tayong konstitusyon.

 Tama nga naman. Kung babaguhin ang Saligang Batas, puedeng alisin ang probisyon na isang beses lang puedeng manungkulan ang pangulo ng  anim na taon. Ito namang probisyong ito ay  ginawa noon panahon ni Prez Cory Aquino dahil nga sa naging karanasan  natin sa  rehimen ng dating Prez Apo Marcos.

 Pero teka muna ano ba talaga ang totoo kuya ? Ang  pagsusulong ng pederalismo o sipsipan blues na  naman kay Boss Digong?

 Siempre, nandiyan na ang kwentong  may plano raw ang supermajority na dagdagan pa ng 10 taon ang termino ni Boss Digong. ‘Super lolo’ na siya kung magkaganun!

 Kaya lang tiyak na imbento lang daw ito ng oposis-yon, ayon  kay Senador Ping Lacson. Baka nga pati na rin ang balitang “no-el” o no election sa susunod na taon.

 Kasi nga naman, ngayon pa lang lumulutang na ang mga senatoriable at mukhang kaniya-kaniya na naman na paandar ng mga  tipster  ala dividendazo, este mali pollster pala sa mga survey.

 Nakakarindi tuloy. Pederalismo nga ba ang prayorida o maagang deklarasyon sa tatahakin programa pampulitika sa halip na paspasan ang mga tunay na reporma sa ilalim ng kasalukuyang  administrasyon?

 Ang tinatanong kasi ng madlang pinoy ay kung makakabuti nga ba ang pederalismo, siempre mawawala ang baho ng kasalukuyang sistema.

  At sana maisip ng mga mambubutas, este mambabatas pala, na hinahanap-hanap talaga natin  ang mga pinangakong reporma ni Boss Digong. Naniwala na tayo na seryoso talaga si Boss Digong  sa kaniyang kampanya laban sa illegal na droga.

 Pero gusto rin naman ng nakararami na mawala ang problema ng kumakalam na bituka at butas na bulsa.

 Napaliwanag na ni Boss Digong na mahirap talagang tapusin ang problema ng droga. Naiintindihan na rin natin siya. kahit  kasi libu-libo ang pinagpapatay sa kalye, mukhang napakarami rin kundi  man mali ang mga tinarget ng ating mga kapulisan.

 Paano naman ang mukhang walang katapusang trapik  o seguridad sa trabaho ng mga ordinaryong manggagawa. Where o where na ang solusyon ?

 Matanong nga natin ang mga mambabatas kung ano ang plano  nila sa pederalismo. Sigurado ako na kung may quiz  ngayong araw sa Kongreso, baka kalahati ng ating mga mambabatas ay bagsak kung tatanungin sila at magpapaliwanag kung alam nila ang ibig sabihin ng pederalismo. Kasi nasanay na rin siguro sila sa “yes” or “no” na sagot.

Sabi nga ng isang tongresman  este mali congressman pala, ang pederalismo raw ay sistemang parliamen­taryo. 

 Haaay manong, pati nga ang dating senador natin na si Aquilino Pimentel Sr., na tinaguriang kampiyon ng pedera-lismo bilang konsepto  ay  sinasabi na puedeng presidential ang pamamaraan ng pederalismo, kung bubuuin na ang mga estado sa Luzon, Visayas at Mindanao.

 Pwes, sisimulan na raw talakayin ito  sa planong pagbabago ng Saligang Batas.

 Ngayon paano naman yung mga umaasa ng revolutio-nary government na kailangan pala ay pangunahan ng mga sindikato este mali mga sundalo at kapulisan pala para magdeklara  ng RG at maitalaga na si Boss Digong na lider para mabilis na maayos ang nilulutong mga reporma sa ating lipunan.

 Kung talagang suportado ng Senado at  Mababang Kapulungan, dapat sila na ang magsimula ng pagbabago, Hindi iyong gagawan sila ng mga kuwento sa media at pagkatapos si Boss Digong ang babangka sa dakdakan.

 Lalo lang tayong naguguluhan. Buwisit! 

 Itigil na ang ganitong paandar bago pati tayo ay ma-damay na sa mga nasiraan ng tamang pag-isip dito sa bayan ni Juan.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with