^

PSN Opinyon

Kinukundisyon?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

UNTI-UNTI na bang kinukundisyon ang mamamayan ng mga kaalyado ni Pangulong Duterte sa posibilidad na walang election sa 2019? Unang nagpahayag si House Speaker Alvarez na posibleng walang election sa 2019, kung magkakaroon ng pagbabago sa Saligang Batas na aaprubahan naman ng taongbayan. Kung mangyari iyan, mapapalawig daw ang termino ng mga mamba­batas dahil wala ngang election. Ayon naman kay Senate President Pimentel, puwedeng mapalawig ang termino ni Duterte kung gugustuhin niya sa ilalim ng bagong Saligang Batas­ at kung magpalit na ang uri ng gobyerno sa fede­ralismo.

Ayon naman sa bise-presidente ng PDP-Laban na partido ni Duterte, gustong gawing “unli re-election” para sa mga mambabatas, na may terminong limang taon. Ibig sabihin, puwedeng manatili ang mambabatas sa kanyang posisyon, kung mahahalal kada limang taon. Sa ngayon, puwedeng mahalal ang mambabatas ng tatlong sunud-sunod na beses, na may terminong tatlong taon. Kung masusunod ang gusto ni Raul Lambino, maaaring panghabambuhay na ang termino ng kongre­sista, kung iboboto pa rin siya kada limang taon. Ano ang nakikita sa lahat ng mga pahayag na ito? Tila gustong manatili sa kapangyarihan ang lahat ng kaalyado ni Duterte. Walang election, at kung meron man, “unli” na termino?

Sinabi naman ng Comelec na hindi puwedeng tanggalin ang karapatan ng mamamayan na bumoto, kahit magpalit pa ang uri ng gobyerno sa federalismo. Ayon sa Saligang Batas ng 1987, karapatan ng mamamayan na iboto ang kanilang mga pinuno at mambabatas. Mali­ban na lang kung babaguhin nga ang Saligang Batas, na nais gawin ng mga kaalyado ni Duterte. Natural na umalma rin ang nasa oposisyon, pati ilang sector sa paglutang ng posibilidad na walang election.  

Panay naman ang pahayag ng Palasyo na hindi nais ni Duterte na manatili sa kapangyarihan. Mas gusto raw na mapaikli. Nagpahayag pa nga na kung magbabago na ang uri ng gobyerno sa federalismo at mapalitan ang Saligang Batas, magbibitiw na siya. Ito ang mga naririnig mula sa administrasyon. Mga kaalyado na gustung-gusto manatili sa kapangyarihan, habang wala raw intensiyon ang kanilang pinuno. Ano sa tingin n’yo?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with