^

PSN Opinyon

Same dog with a new collar

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NARINIG na natin ang Palasyo na nagsasabing ayaw ng Pangulo na magkaroon siya ng term extension. Sabi ni Spokesman Harry Roque, kung maaari, ang ibig ng Pangulo ay paikliin pa ang termino niya, at siya ay bababa sa tungkulin kapag naitatag na ang Federal form of government.

Ngunit ayon kay Sen. Francis Pangilinan, may mga “alimuom” siyang naririnig sa Kongreso kaugnay ng isinusulong na charter change (Chacha) na siyang maghahanda sa pagbuo ng Federalismo.

Aniya,  base sa kanyang mga narinig magkakaroon ng 10-years transition period sa federalism at hindi na muna magkakaroon ng eleksiyon at itutulak ang term extension ng mga nakaupong elected officials sa kasalukuyan.

Ibig sabihin, wala munang eleksyon at sa loob ng panahong iyan, ang lahat ng mga elected officials ay mananatili muna sa puwesto. Kasama diyan siyempre ang Presidente ng Pilipinas dahil siya ang may hawak ng baton sa isinusulong na Federal form of government. Sa loob ng panahon na iyan ay malaya ang Pangulo na mag-appoint o magtanggal ng mga opisyal. Malinaw na “one man rule.”

Magkakaroon din daw ng term extension ang mga mam­babatas sa Mababa at Mataas na Kapulungan.

Bibigyan rin umano ng kapangyarihan ang Pangulo na gumawa ng batas habang binubuo pa ang Federal government katulad noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Hindi ko sinasabing totoong mangyayari ito pero inilalathala natin para magkaroon ng awareness ang taumbayan at nang mapigilan ang ano mang tangkang muling pagsupil sa demokrasya.

Naaalala ko pa ang sinabi sa akin ng isang kaibigan bago magkaroon ng Presidential elections tungkol kay Duterte. Na magpapatupad siya ng martial law pero iba ang itatawag dito para huwag sabihing kumopya siya kay Marcos. The same dog with a new collar wika nga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with