^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Upakan din, gov’t officials na inutil sa kanilang trabaho

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Upakan din, gov�t  officials na inutil sa kanilang trabaho

PAWANG mga government official na biyahe nang biyahe sa ibang bansa ang sinisibak ni President Rodrigo Duterte. Para sa Presidente, ang madalas na pagbibiyahe na walang kaugnayan sa trabaho ay hindi katanggap-tanggap.

Pinakahuling sinibak ng Presidente si MARINA Administrator Marcial Amaro III. Sinabi ni Presidential Spokeman Harry Roque na nakagawa ng 24 na foreign trips mula nang i-appoint ito ni Duterte sa puwesto nong 2016. Bukod sa pagbibiyahe, nire­reklamo rin  ng mga empleado ng MARINA si Amaro.

Noong nakaraang Disyembre 2017, sinibak din ni Duterte si Presidential Commission on the Urban Poor chief Terry Ridon dahil sa madalas na pagbibiyahe. Mas marami pa umanong biyahe si Ridon kaysa makipagmiting sa kanyang nasasakupan. Sabi naman ni Ridon may pahintulot ng Malacañang ang pagbibiyahe niya.

Noong nakaraang Disyembre rin sinibak sa puwesto ang administrator ng Development Academy of the Philipines (DAP) na si Elba Cruz. Madalas din umanong nagbibiyahe si Cruz at bukod doon, inire­reklamo rin umano ito dahil sa pag-aappoint ng mga tao sa sensitibong posisyon.

Sabi ni Roque, marami pa umanong sisibaking opisyal ang Presidente dahil sa pagbibiyahe gamit ang pondo ng bayan. Tinutupad lamang umano ni Duterte ang pangako sa mahihirap na aalisin niya sa puwesto ang mga opisyal na may kahina-hinalang gawain. Kabilang din sa mga aalisin sa mga susunod na buwan ay mga police officials na sangkot sa masamang gawain.

Katanggap-tanggap ang ginagawa ni Duterte na pagsibak sa mga opisyal ng pamahalaan na biyahe nang biyahe. Pero mas matutuwa ang taumbayan kung pati ang mga inutil na kalihim ng Cabinet ay sibakin din. Isa sa mga nirereklamo ay ang DOTr kaugnay sa madalas na aberya ng Metro Rail Transit. Noong Enero 1, 2018, Bagong Taon, nagkaaberya ang MRT at pinababa ang mga pasahero. Noong nakaraang taon, 500 beses nagkaaberya ang MRT at sa kabila nito papitek-pitek lang ang kalihim ng DOTr. Sana, hindi lang ang biyahe nang biyahe ang sibakin. Sibakin din ang mga inutil.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with