PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ang mga tunay na bayani

NOONG nakaraang taon puro mga negatibong balita ang binabandera tulad ng mga patayan, nakawan ang hindi mamatay-matay na sindikatong budol-budol, ang hindi mahuli-huling riding in tandem at ang pinagpipis­tahang bagong labas na pera na walang tao at ang isa naman ay doble ang mukha ni Pres. Manuel Roxas. Siyem­pre kakabit na ng negatibo ang positibo tulad na lang ng mga matatawag nating bayani. Simpleng ginawa pero malaking bagay ang resulta. Minsan lang maka­gawa ng mabuti sa iyong kapwa o kaya naman namatay ka dahil niligtas mo ang iyong kasama ay matatawag kang bayani.

Maraming magagandang nangyari pero hindi man lang ito napagtuunan ng pansin. Tulad ng mga driver na nagbalik ng pera na naiwan ng kanyang pasahero. Ang isa pang rider may nadaanang pera sa daan yun pala suweldo ito ng isang karpintero mabuti na lang at nakadikit pa ang pangalan ng may ari ng pera nai-post ng rider sa Facebook ang napulot niyang pera at napag-alamang pam­bili pala ito ng handa para sa Pasko. O di ba simple lang ang nagawa pero malaking puntos naman sa iba.

Ang mga tropa ng gobyernong nagbuwis ng buhay nung kasagsagan ng giyera sa Marawi City. Iba’t ibang kuwento ng kabayanihan ng ating mga sundalo nung makipaglaban sa mga terorista. Merong dalawang opis­yal ng Philippine Army na binigyan ng medal of honor na nirekomenda ni Defense secretary Delfin Lorenzana. Hindi nagdalawang isip na sagipin ang mga kasamahan sa gitna ng labanan.

Gayunman gusto kong magpokus sa isang taong ma­tatawag ding bayani --- si Melvin Ga-a na namatay sa nasunog na mall sa Davao City habang sinasagip ang mga taong na-trap. Pamilyadong tao pero hindi nagdalawang isip tumulong sa kapwa. Ilan pa kayang Melvin Ga-a ang meron sa ating bayan. Mga tunay na bayani.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: