PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ang phase out ng mga lumang sasakyan

OVER population ng mga sasakyan sa kalsada at kakulangan ng episyenteng public transport system ang isa sa mga dahilan ng teribleng trapiko sa Metro Manila. Hindi mapigilan ang mga car manufacturers sa paggawa ng mga sasakyan na pinipilit na presyuhan ng mura upang maging abot kaya pati ng mga ordinaryong mamamayan.

Hindi rin mapagbawalan sa lansangan ang mga luma at karagkarag na mga kotse na siya lang kayang bilhin ng mga mahihirap na may karapatan ding magmay-ari ng sasakyan.

Kung lulutasin ang mga nabanggit na problema, baka anarchy ang mangyari porke marami ang magpo-protesta at sisigaw na sinisikil ang kanilang human rights. Ito lang planong pag-phase out ng mga lumang jeepney ay umaani na ng galit at protesta mula sa mga nasa transport industry. Tapos, inihayag ng Department of Transportation na hindi lang lumang jeepney kundi yung mga lumang bus at trak ang susunod na wawalisin sa kalye.

Hindi malayo na isusunod na rin ang mga lumang pribadong sasakyan na tiyak na ikagagalit ng maraming mamamayan. Masyado nang naging komplikado ang problema dahil hindi ito na-manage ng tama simula pa lang noong una.

Talagang ang kailangan natin ngayon ay isang determinadong desisyon at political will para magpatupad ng mga drastic measures sa paglutas ng problema. Ngunit makakayanan ba ng pamahalaan na pigilin ang over-pro­duction ng mga sasakyan, o kaya ang pagwalis sa kalsada ng mga bulok na sasakyan na madalas tumitirik ang nagiging dahilan ng traffic?

Kung magpapatupad ang gobyerno ng mga kina­ka­ilangang hakbang, sana hindi lang mga ordinaryong tao ang maapektuhan kundi pati yung mga tagagawa ng sasakyan. Kailangan din ang pang-unawa at pagkakaroon ng ko­operasyon ng bawat sector ng ating lipunan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: