PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

‘Mga bagong programa ng BITAG Multimedia Network’

MGA boss, panibagong taon na naman ang ating pagsa­sama-samahan. Marami sa inyo ang kuntento nang ma­ri­nig ako sa BITAG Live tuwing umaga at makita ako sa Kilos Pronto tuwing gabi noong nakaraang taon.

Pero hindi lang ‘yan. Hindi ko hahayaang makuntento na lang tayo d’yan. Kaya naman bago matapos ang taong 2017 ay abala si BITAG at ang BITAG Multimedia Network (BMN) para sa maraming pagbabago ngayong 2018. Handa na ba kayo?

Para sa mga tagasubaybay ng aming programa, ma­raming bagong pasabog at pagbabago ang inyong aabangan. Hindi pa rin mawawala ang walang sawang panghahambalos ni BITAG sa BITAG Live na mapapanood pa rin sa PTV 4, 8:00 a.m. Naka-simulcast ito sa Radyo Pilipinas 738 khz at naka-livestream sa aming BITAG Live Facebook page.

Ang hybrid integrated public service na Kilos Pronto­, magbabalik na sa mas pinaagang timeslot tuwing hapon. Walang tigil ang serbisyo publiko mula 4:30 p.m. – 5:30 p.m. sa PTV 4 kasama pa rin ang aking utol na si Tol Erwin at si Pareng Alex Santos.

Taon 2017 ay maraming natanggap na parangal ang programang ito dahil sa walang sawang pagtulong sa mga nabiktima, naabuso, napabayaan, at mga namodus. Kaya ngayong 2018 ay dodoblehin pa namin ang ser­bisyo publiko. 

Abangan ang katatawanan, kalokohan subalit ma­bag­sik na atake naming mag-utol kasama si Pareng Alex Santos. Hindi mapapagod ang aming team na maglingkod sa bayan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Kaya naman kung kayo ay nakararanas ng pangmomolestya, pang-aabuso, modus, anomalya at kung ano pa, ‘wag nang magdalawang-isip na magsumbong sa amin. Maaari n’yo kaming padalhan ng personal message ng inyong sumbong sa aming mga lehitimong Facebook pages o kaya naman ay personal na magtungo sa aming tanggapan

Mga boss, magbabalik na rin sa linya ng programa ang BEN TULFO UNFILTERED. Kabisado n’yo na ang format ng programang ito – no-holds-barred at unfiltered. Tamaan kung sino man ang tamaan. Mapapanood ito pagkatapos ng Kilos Pronto sa PTV 4, 5:30 p.m. hanggang 5:00 p.m.

Ang pilot episode naman ng Crime Desk ay mapapanood na rin ngayong Enero. Dahil sa inyong suporta, naging isang ganap na programa na rin ang Crime Desk. Mula sa isang segment ng Kilos Pronto hinggil sa imbestigasyon ng iba’t-ibang krimen, ilalabas na namin ito nang buo at mas detalyado.

Panoorin ang gagawing pag-iimbestiga ng kasama naming si Alex Santos sa iba’t ibang krimen sa bansa. 

Mga boss, iilan lamang ito sa mga dapat ninyong abangan. Kaya maging aktibo, i-LIKE at i-SHARE ang aming mga lehitimong Facebook pages para unang makaalam ng mga nagbabagang analisis, fresh updates, at announcements para sa iba pa naming hinahandang pasabog ngayong taon.

Salubungin natin ang 2018 ng positibo at maligaya! Cheers to good life! Ciao!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: