PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Naputukan ng paputok, dumalang

SANGKATERBANG madlang pinoy sa Philippines my Philippines ang natuwa sa inilabas na Executive Order 28 ni Boss Digong na naglilimita sa paggamit ng paputok kaya naman nang maghiwalay ang taon the other day kaunti lamang mga makukulit ang naisugod sa ospital para magamot dahil nga naputukan sila.

Buti nga!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa ipinalabas na kautusan ni Boss Digong na doon lang sa mga lugar na itinalaga ng LGU’s na puedeng gamitin ang mga firecrackers sa Philippines my Philippines kaya naman dahil dito ay parang lalong nagkaisa ang mga magkakapit-bahay dahil nagsama-sama sila sa iisang lugar ng kasiyahan.

Ika nga, after putukan at pa ilaw blues nag-greet ang mga magkaka-barangay ng Happy New Year to All!

Kambiyo issue, naging matumal ang negosyo ng paputok may mga pulis na hindi gumalaw para magbenta ng paputok dahil ito ang negosyo nila every year kaso. Sa  EO 28  ni Boss Digong marami ang tumiklop at hindi nakaporma sa takot na baka sila masampolan. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil sa EO 28 marami ang sumunod dito lalo na ang mga firecrackers manufacturer ay hindi rin nakaporma.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kayamanan ang paputok malaking pera ang kita rito.

Ika nga, triple ang kita!

‘Kaya marami ang sumasama sa negosyong ito para kumita ng malaki.’ sabi ng kuwagong haliparot.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, maganda pa rin ang kinita ng mga nagbenta pero hindi tulad ng mga nakaraan taon na sobrang dami ng salapi ang pumasok sa kanilang bulsa.

‘Sa susunod na taon masunod kaya ulit ang EO 28 ni Boss Digong?’ tanong ng kuwagong SP0 - 10 sa Crame.

Sagot - tiyak iyon dahil batas na ito kaya baka sa mga susunod na New Year baka wala nang bumili pa ng mga paputok.

Abangan.

* * *

 Transport modernization program

TOTOO kaya o plano na naman nang mga pa bright, bright ang gagawin pagtanggal sa mga dyip na 15 years up?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dapat lang siguro itong ipagbawal nang bumiahe sa kalsada ang mga dyip na parang ‘super lolo’ na ang itsura.

Ika nga, karag,karag na at super mausok pa!

Bakit?

Sagot - walang proper maintenance!

Sabi ng gobierno uumpisahan ngayon ang ‘transport modernization program’ kaya dapat sigurong i-garahe na ang mga karag,karag na dyip.

‘Hindi lang dapat dyip ang i-zero-in ng gobierno sa kanilang programa dapat ang mga pampasaherong bus din na kahit labas na ang ‘bituka’ ay tumatakbo pa rin sa EDSA lalo sa gabi.’ sabi ng kuwagong seloso.

‘Ano kaya ang magiging aksyon ng transport group sa ipatutupad ng pamahalaan?’ tanong ng kuwagong maangas.

Sagot - baka transport strike na naman?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iyon tungkol sa Motor Vehicle Inspection System para malaman ang ‘roadworthiness’ ng mga lumang passenger jeep ay dati na raw itong kautusan pero hindi naman umano nasusunod.

Abangan.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: