PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

EDITORYAL - May mga naputulan pa rin ng daliri

HINDI pa rin ganap na tagumpay ang kampanya ng pamahalaan laban sa bawal na paputok. Marami pa rin ang naputukan sa kamay kaya naputol ang daliri. Pero kung ikukumpara noong nakaraang taon, mas mababa ngayon ang naputukan sa kamay. Ayon sa Department of Health (DOH), 191 injuries ang naitala ngayon kumpara noong nakaraang taon na 630. Ayon pa sa DOH walang insidente ngayon na namatay dahil sa paputok at wala ring naiulat na bata na nakalunok ng piccolo kumpara sa mga nakaraang selebrasyon na may namatay at nakalulon ng paputok.

Wala ring naiulat na tinamaan ng ligaw na bala ngayon pero ayon sa Philippine National Police (PNP), may mga pulis at sundalo na nahuling nagpaputok ng baril habang nagdiriwang ng New Year. Ayon kay NCRPO chief Oscar Albayalde, ma­tatanggal sa puwesto ang mga pulis na nagpaputok ng baril. Hindi patatawarin ang mga ito.

May mga naputukan at naputulan ng daliri kaya hindi pa rin masasabing tagumpay ang pamahalaan sa pagbabawal sa mga malalakas at nakapi­pinsalang paputok. Makikita rito kung gaano pa rin kaluwag ang mga awtoridad sapagkat may mga naipuslit pa ring imported na paputok na gaya ng piccolo. Ang piccolo ay manufactured sa China kaya nakapagtataka na sa kabila na may Executive Order No. 28 na inisyu ang Presidente, nakalusot pa rin sa Bureau of Customs ang kontrabando. Bumabaha ang piccolo sa bansa kaya naman marami pa rin ang mga napuputukan na karamihan ay mga bata. Marami-rami na ring bata ang naputulan ng daliri dahil sa piccolo.

Nasawata na ang mga nagtitinda nang malalakas na paputok sa Bocaue, Bulacan dahil sa mahigpit na pagbabantay. At habang naghihigpit sa local firecracker manufacturers, wala namang tigil ang pagpupuslit ng piccolo sa bansa, kasabwat ang mga corrupt sa Customs. Kapag hindi napigilan ang pagdagsa ng imported firecrackers­, marami pang bata ang mapuputulan ng daliri. At balewala ang EO 28 ni Duterte.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: