PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Zero-injury

SASALUBUNGIN ng buong mundo ngayong hatinggabi ang pagdating ng Bagong Taon 2018. Paalam na sa 2017 na tinaguriang “year of agony and sorrow’’ sa ating bansa.

At gaya ng kinagawian ay sinasalubong ang Bagong Taon ng mga paputok na naging sanhi rin ng injuries if not pagkamatay ng ilang daang tao tuwing sasapit ang panahong ito. 

Karaniwan nang napapabalita ang mga natamaan ng stray bullets at ng mga paputok na napuputol ang mga daliri o kung anong parte ng katawan. 

Ngunit dito sa Davao City ay iba ang naging istorya na may 14 taon na ring naging zero-injury kami tuwing sasapit ang Pasko at Bagong Taon,

Ito ay dahil sa nanatiling total ban on the sale and use of firecrackers and pyrotechnic materials na pinapairal dito 14 taon na. 

Ang ibig sabihin ng  zero-injury namin dito ay walang nadadala sa mga emergency rooms ng mga ospital dito sa Davao City. At wala ring nababalitang namatay dahil nga naputukan ng firecrackers o stray bullet dito sa Davao.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

At muling pinapaalalahanan ang publiko sa Executive Order 28, signed by President Rodrigo Duterte on June 20 this year, regulates the use of firecrackers and other pyrotechnic devices in the country.

Ito ay nang sa ganun ay maibsan ang reported injuries nang dahil sa walang pakundangang paputok.

Kaya naman imbes na tayo ay magpapaputok ng kung anu-anong firecrackers at pyrotechinc materials ay taimtim nating ipagdasal na magkaroon tayo ng  maayos at manigong Bagong Taon 2018. 

Happy New Year Everyone!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: