PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Ang holen ng Diyos

Malaki ang mundo pero ito’y holen

sa kamay ng Amang lumikha sa atin;

Maliit man ito’y kaiba ang dating

Iba’t ibang kulay masarap hipuin!

 

Ang ating daigdig talagang kaiba

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

namumukod tangi sa kulay at ganda;

Kaya natutuwa itong Diyos Ama

na laging hawakan sa tuwi-tuwina!

 

At isang araw nga itong ating mundo

kanyang pinaikot na parang turumpo;

natuwa pa Siya na ipasok ito

sa baywang na bulsang lalagyan ng relo!

 

Habang nasa bulsa ang ating daigdig

ang ramdam ng Ama ito ay nag-iinit;

Kinuha ng Ama at kanyang nilinis

subali’t dumulas nahulog sa tubig!

 

Ang tubig ay habang nagdulot ng lagim

sa ating naroon sa loob ng holen;

Mga lunsod bayan na tahanan natin

tayong mga tao ay nagsidalangin!

 

Dalangin ng tao’y narinig ng Ama

kaya dali-daling holen ay kinuha;

Hinango sa tubig at pinunasan pa

Kaya itong mundo ay lalong gumanda!

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: