PSN Opinyon ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

EDITORYAL - Daming nalilito kung saan magpapaputok

MATUMAL ang bentahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan, kahapon. Ayon sa mga nagtitinda, epekto iyon ng Executive Order No. 28 na iniutos ni Pres. Rodrigo Duterte`. Marami umanong nalilito kung ano ang bawal at hindi sa gagamiting paputok. May nagsabing bawal na lahat at huhulihin kapag gumamit nito. May nagsabing ang mga malalakas na paputok na gaya ng Judas Belt, Superlolo, bawang, Goodbye Earth, Goodbye Philippines at mga katulad nito ang pinagbabawal. Ganunman, maaari itong gamitin sa designated fireworks display sa isang lugar sa barangay pero kailangang may permit.

Sa kasalukuyan, nagkakaroon ng kalituhan kung saan sa barangay gagawin ang fireworks display. Wala pang sinasabi ang barangay kaya tuliro ang mga tao. Ang mga pailaw na gaya ng fountain, baby rocket, trompillo, lusis ay maaari namang sindihan sa labas ng bahay. Hindi na ito kailangang kumuha ng permit sa barangay. Hindi rin ito kukumpiskahin ng mga pulis.

Ang kabagalang ng local government units (LGUs) sa paghahayag ng lugar kung saan maaa-ring magpaputok ang magiging dahilan para hindi maging matagumpay ang pagbabawal sa paputok gaya ng itinatadhana ng EO 28. Mababalewala ang batas sapagkat walang maibigay na lugar para sa community fireworks display. Dapat noon pa, nakapaghanda na ang LGUs at pati barangay ay naabisuhan na para nakapaghanda na ng lugar pa sa sama-samang paggpapaputok.

Hindi kataka-taka na mauwi muli sa bara-barang pagpapaputok sa bisperas ng Bagong Taon sa harap ng mga bahay at tiyak na marami na namang masusugatan o mapuputulan ng daliri.

Sisihin ang LGUs sa mabagal na pagpapasya ukol sa pagdarausan ng community fireworks. Dapat nang iisyu ni Digong ang EO 28, mayroon na silang napisil na lugar na pagdarausan ng fireworks display.

Nalilito ang mga tao sa nangyayaring ito. Nga-yong gabi na ang pagsasaya sa pagsalubong sa Bagong Taon at sana mayroon namang magandang bunga ang pagkakaroon ng fireworks display.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: