^

PSN Opinyon

May delicadeza si Polong Duterte

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAY delicadeza kaya nagbitiw si Presidential son Polong Duterte bilang Vice Mayor ng Davao City, kung ano man ang rason nito hindi na natin dapat pang ukilkilin kasi personal ang kanyang decision making.

Ayon sa mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, bibihira sa mga taong gago este mali gobierno pala ang ginawang decision making ni Polong kasi nga karamihan sa mga naka-puesto ay mga kapit-tuko sa kanilang trono.

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, si Polong ay presidential son at elected public official ng kanyang mga constituents sa Davao City pero bumaba ito ng hindi kinumbinsi ni Boss Digong na iwanan ang kanyang posisyon.

‘Pero ang ibang mga appointed officials na makakapal ang mukha kahit palpak sa kanilang trabaho ay mga kapit- tuko pa rin sa kanilang mga puesto at kapag tinanong mo sila ang isasagot ay ‘ si Presidente ang nag-appoint sa akin kaya siya lang ang puedeng magpababa sa akin.’ sabi ng mga kuwagong makakapal ang mukha.

Sabi nga, saan kaya sila humiram ng kapal ng mukha?

Sagot -- sa pader. Hehehe!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Polong ay nagdesisyon mag-isa at walang nagturong bumaba sa puesto pero maraming kritiko ng kanilang pamilya na ‘drawing’ lang daw ang ginawa nito at nanga­ngarap pang mabigyan ng mataas na puesto nang malakanin este mali Malakanang pala.

Sabi ng mga asset nang mga kuwago ng ORA MISMO, maraming opisyal ng Duterte administration ang grabe sa kapalpakan kaya tuloy pati ang pangalan ni Boss Digong ay nagagasgas sa kagaspangan ng kanilang mga inaasal sa puesto.

‘Kamustahin natin ang PCSO Christmas party, DoTr, MMDA, LTO, LTFRB kung tutuusin ang mga ito ay sang­rekwa ang kapalpakan sa madlang people kung tutuusin,’ sabi ng kuwagong haliparot.

Abangan.

* * *

 Kinuha ni Lord!

NAKIKIRAMAY ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa madlang people na kinuha ni Lord ngayon buwan matapos silang madisgrasiya marami ang mga nangamatay dahil sa salpukan sa kalye ng mga sasakyan, rambulan, barilan at saksakan nang mga matatapang at sa sunog.

Ika nga, ipagdasal natin silang lahat.

Amen!

Kambiyo issue, paalala sa mga erpat at ermat ng mga batang mahilig bumili ng mga piccolo at paputok ingatan ang inyong mga anak sa disgrasiya.

Sabi nga, bantayan sila!

‘Para walang mabili ang mga bata ng mga pinagbabawal na paputok at piccolo mas mainam ituro sa pulisya kung saan sila nakakabili nito para sila ang makalaboso at makaiwas ang mga anak ninyo sa delubyo,’ sabi ng kuwagong SPO -10 sa Crame.

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with