^

PSN Opinyon

Dash cam ng bus

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

PLANONG suspendihin ang prankisa ng pitong bus ng Partas Bus Company dahil hindi ibinigay sa mga otori­dad ang dash cam card at datos ng GPS ng bus na dawit sa masamang aksidente sa La Union. Ang ibinigay lang ay CCTV ng loob ng bus, na wala namang makita kaugnay ng aksidente. Makikita lang ang reaksyon ng mga pasahero nang mabangga na sa jeepney. Hindi ba’t ang pampasaherong jeepney ang pumasok sa kanilang lane dahil sa gustong unahan ang sasakyan sa harap niya? Ayaw ba ng Partas makipagtulungan sa ginagawang imbestigasyon?

Mahalagang makita ang mga pangyayari kaugnay ng aksidente mismo. Bigla ba ang pagpasok ng jeepney sa lane ng bus kaya hindi na nakaiwas? Parehong ma­bilis ba ang takbo ng mga sasakyan? Parehong may ilaw ba ang mga sasakyan? Lahat ito makikita sana sa dash cam ng bus, kaya nakapagtataka kung bakit tila ayaw ibigay kaagad ang video card.

Ang isang anggulo na tinitingnan din ay kung nakatulog ang drayber ng jeepney, kaya napunta sa lane ng bus. Madaling araw naganap ang aksidente. Hindi biro ang antok kapag nagmamaneho, lalo na sa mga mahahabang highway kung saan madilim. Kaya mahalaga na kapag inaantok ay tumabi na muna nang maayos at sa ligtas na lugar, at umidlip kahit sandali lang. May panun­tunan din hinggil sa haba ng oras na puwedeng magmaneho ang drayber. Anim na oras lang bawat drayber. Dapat may karelyebo na drayber, at hindi kunduktor. 

Sunud-sunod din ang aksidente sa bansa. May bus na nahulog naman sa bangin sa Quezon noong Martes. Sampu ang nasaktan. Pababa ang kalsada nang mahulog sa bangin. Baka hindi natantiya ang mga pagliko. Sa panahon ng Pasko, marami ang bumibiyahe para makapiling ang mga mahal sa buhay. Ito rin ang panahon na tila nagmamadali ang mga drayber. Siguro sa nais na makapiling din ang mga kapamilya, o para makapagbakasyon na. Pero dahil nagmamadali, dito na nawawala ang pag-iingat. Kung naging maingat lang sana ang mga drayber sa mga nabanggit na aksidente, kung mabagal lang ang takbo, kung nag-ingat at pababa ang kalsada, wala sanang aksidente. Uulitin ko, kailangan mga tunay na “professional drivers” ang may dala ng mga pampublikong sasakyan, at hindi mga marunong lang pumihit ng susi at manibela.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with