^

PSN Opinyon

Resignation ni Pulong tamang hakbang

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

ISANG matatawag na maalab na balitang pampulitika sa pagtatapos ng taong ito ang pagbibitiw ni Presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.

Sinasabing ang dahilan ng pagbibitiw niya ay ang hindi na niya matagalang bad publicity sa kanya, nangu­nguna na rito ang pagsasangkot sa kanya sa tangkang smuggling ng multi-bilyong pisong shabu.

At ang isa pang dahilan umano ay ang napabalitang hindi magandang relasyon niya sa kanyang anak na babae na kamakailan ay nakatikim ng bashing at masakit na pagtuligsa dahil sa kanyang pictorial na ginawa mismo sa loob ng tanggapan ng Pangulo sa Malacañang

Kunsabagay ay Vice Mayor lang si Paolo at ang tunay na namumuno sa Davao City ay ang kanyang kapatid na si Sara. Pero tamang hakbang ang ginawa niya. Kasi, ang sino mang nakaupo sa mataas na puwesto sa gobyerno ay kailangang may mataas na kredibilidad at iginagalang ng taumbayan. Ang mga isyu laban kay Paolo ay  nagbigay batik sa kanyang pagkatao.

Pero hindi pa maituturing na pinal ang resignation ni Vice Mayor Paolo. Aaprubahan pa ito ng kanyang ama na si Presidente Duterte sa loob ng labinlimang araw mula sa pagtanggap niya ng sulat ng pagbibitiw. Balita ko, hanggang ngayon ay hindi pa ito natatanggap ng Pangulo.

Sa ilalim ng local government code, Pangulo ang nag-aaproba sa pagbibitiw ng mga lokal na opisyal. Kapag walang aksyon ang Pangulo sa loob ng taning na labinlimang araw, ikokonsiderang epektibo ang resig­nation letter. Kahapon lang tinanggap ng Palasyo ang naturang liham ng pagbibitiw kaya hinihintay na lang ang approval ng Pangulo.

Sinabi niya na  sariling desisyon ng kanyang anak ang pagbibitiw at hindi niya kailanman inudyukang gawin ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with