^

PSN Opinyon

Tinted na sasakyan dapat ipagbawal

AKSYON NGAYON - Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

SA pagkaalam ko, noon pa mang araw ay ipinagbawal­ na ang paglalagay ng heavy tint sa mga bintana ng sasak­yan. Ang kaso nga lang, ang problema ay hindi naipatutupad ang batas. Magaling lang tayo sa umpisa. Kapag nagtagal, pinanlalamigan na ang implementasyon ng batas.

At ang hirap sa mga tao, kapag nagpatupad ng batas­ ang pamahalaan, sinasabi agad na nilalabag ang kani­lang karapatan. Ipinagbawal ang paninigarilyo sa publi­kong lugar, umalma ang mga may bisyo. Sinisiil daw ang karapatan nila.

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ipagbabawal nang bumiyahe ang mga tinted na sasak­yan. Ani DOTr Usec. Tim Orbos, sa susunod na buwan ay posibleng mailabas na ni Sec. Arthur Tugade ang kanyang direktiba kaugnay nito. Sana lang, ang kautusang iyan ay estriktong maipatupad at hindi yung ningas cogon. Here today, gone tomorrow.

Halimbawa, ang paggamit ng mga cell phone at ibang gadget habang nagda-drive ay bawal na. Pero ngayon, marami na namang makikitang may kinakausap sa cellphone habang nagmamaneho kaya bumabagal ang trapik bukod pa sa peligrong idinudulot ng ganyang siste!

Wala namang dapat pumalag sa kautusang iyan ma­li­ban sa mga criminal na itinatago ang kanilang mga mukha sa batas.

Nais ng MMDA at DOTr ba maipatupad ang bagong regulasyon sa EDSA na nagbabawal sa mga pribadong sasakyan na bumiyahe nang walang ibang pasahero. Maganda naman ang layunin nito para mabawasan ang volume ng mga sasakyan at lumuwag kahit bahagya ang trapik. At paano mo malalaman na sumusunod sa batas ang mga motorist ung hindi mo maaninag man lang ang laman ng sasakyan?

Sa datos na nakuha ng DOTr mula sa MMDA ay may kabuuuang 27,524 na sasakyan ang dumadaan araw-araw HOV lane sa Edsa at 14,645 sa mga ito ay heavily tinted ang kanilang bintana kaya hirap ang mga awtoridad na masilip ang sakay ng mga ito.

“Only vehicles with a minimum of two occupants are allowed on the HOV lane located on the innermost lane of Edsa” sabi ni Orbos.

Giit ni Orbos, sa oras na lumabas ang order ni Sec. Tugade sa ‘first quarter of 2018’ ay kaila­ngan ng sumunod ang lahat ng motorista.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with