^

PSN Opinyon

Pag-aralan ang disenyo ng mga gusali

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

NAKUHA na ang 36 na bangkay mula sa NCCC mall na nasunog noong Sabado ng umaga. Una nang nakuha ang isang bangkay. Lahat ay empleyado ng isang kompanya na may opisina sa nasabing mall. Inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng sunog na nagsimula umano sa ikatlong palapag, kung saan may mga tindahan ng tela, muwebles at plastic na kagamitan. May utos na rin ang DOJ sa NBI na imbestigahan ang dahilan ng sunog para malaman kung may kailangang managot sa trahedya.

Kailangan talaga pag-aralan ang mga disenyo ng mga gusali tulad ng mall. Noong nakaraang Hunyo, sadyang sinunog ang Resorts World Hotel and Casino ng isang baon na sa utang dahil sa pagsusugal. Umabot sa 38 ang namatay, kasama ang salarin. Ganun din, hindi na nakalabas ang mga tao. Alam ko may mga fire exit ang mga gusali, pero kung paano mapupuntahan ang mga ito ang dapat pag-aralan. Gumana ba ang sprinkler system ng gusali? May mga kagamitan ba na maaabot ng mga tao para makaligtas sa makapal na usok? Usok ang kadalasang sanhi ng pagkamatay ng mga hindi na makalabas, at hindi ang sunog mismo. Nagamit ba ang fire extingushers na obligadong pinalalagay sa mga gusali? 

Hindi madali ang tungkulin ng mga bumbero. Ka­ilangan alam nila ang mga katangian ng apoy, partikular mga malalaking apoy. Hindi lang basta-basta sinusugod ang apoy na may dalang hose na malakas ang buga ng tubig. Kapag malaki na ang sunog iba na ang katangian nito. Kahit may suot na proteksyon, hindi kinakaya ang mga malalaking sunog kung saan ang init ay hindi na matiis. Dapat makontrol na muna ang sunog. Sa mga gusali tulad ng mall, limitado rin ang paraan para makapasok dito dahil sa kawalan ng mga bintana. Ito ang isa sa dapat pag-aralan.

Tila sunud-sunod na trahedya ang tumama sa bansa ngayong Disyembre. Dalawang magkasunod na bagyo, paglubog ng pampasaherong barko, banggaan sa highway at ang sunog sa Davao. Medyo nabawasan ang ating kasayahan, dahil sa mga namatay sa mga nabanggit na kaganapan. Nakikiramay ako sa lahat ng nawalan ng kapamilya. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with