^

PSN Opinyon

Naiibang museo ukol sa Bibliya

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

BINUKSAN sa Washington DC nu’ng Nobyembre ang Museum of the Bible (MOTB). Isang bilyonaryong funda­mentalist (Born-Again) Christian ang nagpondo sa $500-mil­yong apat na ektaryang gusali. Pero anang mga namamahala, ito umano ay “non-sectarian”, hindi pumapanig sa Katoliko, mainstream Protestant, o evangelicals.

Tatlong bahagi ang exhibits: Kasaysayan ng Bibliya, Mga Kuwento tungkol sa Bibliya, at Epekto ng Bibliya. Totoo ngang iniwasan ang literal na pagbasa ng Banal na Kasulatan, tulad ng paglikha ng Diyos sa kalawakan sa loob ng anim na araw. Wala rin ang mga konserbatibong panlalait na kasalanan ang kabaklaan. Walang dogma na isinusulong, anang mga kritiko, sinisikap ng mga sapi na maging factual lang.

Daan-libong antigong Bibliya ang tinipon, kasama ang mga matatandang scrolls na unang pinagsulatan ng Luma at Bagong Tipan, at mga tapayan at garapon na pinagtaguan nito. Sinikap ding ilagay ang Bibliya sa konteksto ng kasaysayan, kaya merong life-size na modelo na isang Hebrew village nu’ng unang siglo, kapanahunan ni Hesu­kristo.

Hindi pakay ng museo na hikayatin ang bisitang sumapi sa Kristiyanismo. Pakay lang nito mag-inspira tungkol sa Banal na Kasulatan, kaya hinihikayat ang bisita na pag-isipan, kuwestiyunin, at kung kailangan ay punahin ang exhibits.

At meron ngang ilang mga puna ang mga kritiko. Una na rito ang bagamat inanunsiyo ng MOTB na “non-secta­rian” ito, halos walang mga display tungkol sa Eastern Orthodox Christianity ng Greece at Russia. At lalo raw walang bahagi tungkol sa Koran, kung saan tinuturing sina Abraham at Hesus na mahahalagang propeta, at dalawa ang chapters tungkol kay Virgin Mary.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

BIBLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with