^

PSN Opinyon

‘Padri-padrino lang; Estafa Queen agad nakalaya’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

NATATANDAAN n’yo pa ba ang Estafa Queen na si Gina Ong Tan? Makailang beses na siyang lumabas sa Kilos Pronto dahil sa dami ng reklamo laban sa kanya.

Ilang beses na rin siyang nailathala sa kolum ko dito sa Pilipino Star NGAYON at maging sa PM PangMasa. 

Siya ‘yung may mala-anghel na mukha at di ma­ikakailang ganda pero asawa yata ni Satanas ang bruha dahil sa tindi ng kanyang mga modus.

Si Gina Ong Tan din ‘yung nambiktima ng ilang kilalang artista at malalaking negosyante sa kanyang mga negosyo kuno. Namataan siya sa Landers sa Balintawak ng isa sa kanyang mga biktimang lumapit sa aking tanggapan.

Agad itong itinawag sa aming mga staff at Kilos Pronto naman kaming nakipag-ugnayan sa Criminal­ Investigation and Detection Group (CIDG) ng Camp Karingal. 

Hulog sa Bitag ang bruha, dakong 4:30 ng hapon sa bisa ng warrant of arrest na hawak ng mga nag­rereklamo. 

Gumaan na sana ang loob ng kanyang mga bik­tima dahil sa kulungan magpa-Pasko si Estafa Queen pero here’s the surprising part, bailable ang kaso, P200,000.

But wait there’s more, on the spot, nakapagpiyansa ang kolokay! Kampon talaga ni Taning ang bruha. Eto ‘yung mga istorya ng mga doro­bong milyun-milyon ang nakamal sa mga biktima pero sa halagang P200,000 lang ay agad maka­kalaya.

May mga umaarbor sa hinayupak na Estafa Queen na ito eh. May mga pumapader at talagang ginagawan ng paraan na mailusot ang kanyang kaso.

Iba talaga ang mga kawatang may kakayanang magpiyansa at malakas ang kapit kaya mabilis makawala sa pananagutan at sa batas. Ganoon lang kadali, tsk tsk tsk.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with