^

PSN Opinyon

Sinulot ang misis ng kapwa atorni

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

(Huling bahagi)

TULUYAN nang naghiwalay ang kanilang landas nang sinampahan ni Jimmy ng patung-patong na kaso sa IBP si Romy dahil sa talamak nitong pakikipagrelasyon sa mga babae kahit pa kasal siya, at sa ginawa niyang pang-aabuso sa kapangyarihan bilang guro. Inakusahan din niya si Romy nang paglabag ng kanilang lawyer’s oath.

Sa pagdinig ng reklamo, tumestigo si Jimmy at lima pang saksi tungkol sa alam nila sa mga naging karelasyon ni Romy habang kasal siya kay Stella. Simple lang ang palusot ni Romy. Tinanggi niya ang lahat ng paratang ni Jimmy at nagkunwaring walang alam sa mga ibinibintang sa kanya. Katwiran pa niya, kung sakali raw na babaero man siya, wala naman itong kinalaman sa kanyang propesyon.

Pero pinasya pa rin ng Commission on Bar Discipline (CBD) na may sala si Romy at inirekomenda na suspendihin siya ng dalawang taon bilang abogado. Kinatigan ng IBP Board of Governors ang rekomendasyon ng CBD pero binago ang parusa at tinanggalan na siya ng lisensiya bilang abogado imbes na suspendihin. Tama ba ang IBP Board?

Oo, ayon sa Korte Suprema. Napatunayan ng mas mabigat na ebidensiya ni Jimmy kung gaano katindi ang imoral ng ginawa ni Romy.  Ayon sa SC, ilang beses na nitong tinanggalan ng lisensiya ang ibang abogado na napatunayang walang good moral character sa kanilang propesyon at personal na buhay. Lalo ang mga hindi nagpapahalaga sa kasal dahil sa kaliwa’t kanang relasyon.

Hindi tama ang depensa ni Romy na walang kina­laman ang kanyang pagiging abogado sa kanyang pagiging babaero. Ang isang abogado ay puwedeng tanggalan ng lisensiya dahil sa katiwaliang ginagawa kahit wala itong kinalaman sa kanyang propesyon. Hindi siya karapat-dapat na patuloy na payagan sa pribilehiyong magpraktis bilang abogado. Ang pagtataglay ng good moral character ay isang kondisyon na kailangan hindi lang sa pagpasa sa Bar kundi sa pagpapatuloy niya sa abogasiya. Nang pumasok sa bawal na relasyon sa ibang babae si Romy kahit pa nga may sariling asawa, binalewala niya  ang kasagraduhan ng kasal. Bilang abogado, isinumpa niyang protektahan ito. Nilabag niya ang Section 2, Article II ng 1987 Constitution, Canon 1, Rule 1.01, Canon 7, Rule 7.03 at Rule 10.01 Canon 10 Code of Professional Responsibility. Dapat lang na siya ay hindi na payagan na maging abogado (Escraela vs. Pangalangan, A.M. 10676, September 8, 2015)

      

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with